Chapter 3.a

14 0 1
                                    

“Mommy!”

Biglang lumiwanag ang mukha ni Shirley nang makita ang tatlong taong gulang niyang anak na tumatakbo papalapit sa kanya. Kasunod nito ang lola at Pilipinang nurse nito. Agad itong nagpakarga sa kanya. Siya naman ay pinupog ito ng halik.

“Bakit hindi man lang kayo tumawag. ‘Di sanay nakasama ako sa pag-sundo sa inyo sa airport.”

“Tulog ka pa nang tumawag ako. Hindi na kita pinagising pa.” her mother-in-law seek the comfort of the sofa. Parang hapong-hapo ito. “Where’s Charles?”

“Hindi ko pa siya nakita mula nang magising ako, mama.”

Inihatid lang siya nito pagkagaling nila sa fast food chain na kinainan nila. Mula nun hindi pa niya ito nakita ulit. Nang tanungin niya ang mga kasambahay kung nakauwi ito kagabi. Ayun dito tulog na siya nang dumating ito.

Somehow nagpapasalamat siya na wala ito nang dumating ang mag-lola. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita nito si Carly. Kailangan niya ang suporta ng kanyang biyenan. “Mommy, I board a plane!” namimilog pa ang mga mata ng anak niya sa excitement. Natawa siya. Iyon nga naman ang unang pagkakataon na makasakay si Carly sa eroplano. “And lola promised to show me horses!”

“Yeah, honey, you will have so much fun with the horses. But first things first aren’t you hungry?”

Her son shook his head. Namataan nito ang alagang tuta ng kanilang family driver. Doon na nakasunod ang mga mata nito.

“Ikaw mama, nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita nang almusal.” Binalingan niya ang biyenan. Ibinaba niya ang anak na naglilikot na dahil sa alagang aso ni Mang Gusting. Sinenyasan niya ang nurse nito na sundan ang anak na kumaripas na ng takbo sa labas.

“No need. Hindi pa naman ako nagugutom. Magpapahinga na muna ako. Grabe ang bigat na ni Carly.”

“Don’t tell me na kinarga mo si Carly all this time? Kahit na nasa eroplano kayo?!”

“Why not? Di baleng mapagod ako huwag lang ang apo ko.”

“May nurse naman si Carly, ah. Sana siya na lang ang pinakarga mo sa bata.”

She sighed. Minsan talaga masyado na nitong ini-ispoiled ang anak. Naiintindihan naman niyang mahal na mahal nito ang apo kaya lang ang inaalala niya ay baka mamihasa si Carly. Gusto niyang lumaking responsible ang anak niya.

“Hija, Carly is just two, nearing three years old. Gusto kong i-enjoy ang mga privileges ko bilang lola niya na hindi ko nagawa noon sa anak ko. At isa pa lalaking responsible at mapagmahal ang anak mo. Kaya i-set aside mo ang mga worries mo.”

Itinaas niya ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko. Kahit kalian hindi siya mananalo sa biyenan. Tama naman ito. Siya lang ang may nagpapaalala sa kanyang sarili.

“Okay. Okay. You win.”  

Her glamorous mother-in-law gave her a knowing smile bago ito tuluyang nagpagupo sa antok dahil sa pagod. Siya naman ay pinili na lang na sundan ang anak sa labas. Mamaya na siya mag-aagahan kapag nagising na ang biyenan total hindi pa naman siya nagugutom.

“You are my father, aren’t you?”

Napabilis ang hakbang niya nang marinig boses ng anak. Kinabahan siya.  Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang mapagsino ang kausap nito.

There in the garden stood the older version of her son. Kagagaling lang nito sa jogging base na rin sa getup niyo. Na pareho niya puno rin ng pagkabigla ang mukha habang nakayuko sa batang nakatingala dito.

English eyes met English eyes.

Missing You Since...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon