chapter 3.b

14 0 0
                                    

“You are my father, aren’t you?”

Charles was stunned while looking at his little replica. Nakatanga rin ang bata sa kanya. Kararating lang niya mula sa Zarragoza Tower nang mamataan ang isang bata na naglalaro sa lawn.

Instead of meeting with the supplier ng mga organic fertilizer and insecticides para sa farm ng Hacienda, minabuti na lang niyang puntahan ang kanyang kaibigan.

Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya para lapitan ito. Siguro out of curiosity na rin. At hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang kabang nadama niya habang papalapit dito. Naramdaman marahil nito ang presensya niya dahil lumingon na agad namang napangiti at tumakbo palapit sa kanya.

“Daddy!”

Natigilan siya. He was caught off-guard. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nang tawagan siya ng ina para ipaalam sa kanya na uuwi ng Pilipinas si Shirley na-program na niya ang kanyang sarili sa pagdating nito. Ang ganitong tagpo ang hindi niya napaghandaan.

“Hello, young man. What is your name?” Charles cleared his throat. Pakiramdam niya ay may bumabara sa lalamunan niya.

“Carly.”

“How do you know that I’m your daddy?”

Tiningala siya nito. “We have he same eyes. Lola said I have the same eyes with my daddy.”

Charles squatted on the ground to level his height with the boy. Mas napagmasdan niya ng mabuti ang mukha nito sa malapitan. Hindi maikakailang siya nga ang ama ni Carly. May mga pictures siya noong kaedad niya ito and the resemblance is so cunning. Lalo na ang kanilang mga mata.

He felt his heart constrict as their eyes met. Pakiramdam niya ay parang may bara sa lalamunan niya na nahihirapan siyang huminga.

“I-If I’m your daddy,” Charles cleared his throat for the second time. “Why don’t you give daddy a big hug?”

Hindi na nagdalawang-isip pa si Carly. Tinakbo nito ang maliit na pagitan nila and threw him a hug. He had no idea kung saan nanggagaling ang kaligayahan na nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Nakadama rin siya ng sense of pride sa sarili. He has a son! Pinigil niya ang sarili na higpitan pang lalo ang pagkakayakap niya sa anak. He was afraid he would crush his son’s little body.

Tumayo siya at kinarga si Carly na hindi bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Napahagikhik pa ito nang idinuyan niya sa hangin. He never felt prouder and happier. Akala niya nawala na ang kakayahan niya na makaramdam ng happiness. After three long years, naramdaman niya kung paano muli ang maging masaya.

“Carly, go back inside.”

Natigil lang ang magandang mood na naramdaman niya nang tinawag ni Shirley si Carly. Ibinaba niya ang bata but he refused to let go. Nanatili itong nakalambitin sa kanyang leeg kaya wala siyang magawa kundi kargahin itong muli.

“Mom, he’s my dad. Lola said we have the same eyes.” Mababakas sa tinig nito ang excitement.

Lumapit si Shirley sa kanila at sapilitang kinuha sa kanya ang bata. Napansin niyang nawalan ng kulay ang mukha nito and there were fear in her estranged wife’s eyes. Even her hands were cold.

“Stop it, Carly,” anito nang biglang pumalahaw si Carly nang mapalayo sa kanya. Ibinigay nito ang anak sa nurse na nag-aabang lang na agad namang pumasok sa loob.

“Mabuti pa ang bata alam kung sino ang ama nito.” Maya-maya ay nasabi niya nang tuluyang mawala sa paningin nila ang anak.

Marahas siyang nilingon ni Shirley na nanumbalik na ang kulay nagmukha.

“You don’t have the right to accuse me, Charles.  Baka nakalimutan mong ikaw ang unang bumalewala kay Carly hindi ko pa man siya nasisilang.”

“Pero kahit na. Karapatan ko pa rin na malaman kung ano ang nangyari kay Carly. My god, Shirley is three years not enough para mapatawad mo ako?”

“Bakit sa loob ba ng mga panahong iyon minsan ba humingi ka ng sorry? Paano kita patatawarin kung ni anino mo hindi ko nakita? Na sa mga panahong pinagbubuntis ko pa lang ang anak ko pinilit kong makausap ka. Where were you when I needed you the most?”

Magbabato pa sana siya ng salita rito when her words struck him. Natameme siya. Wala nga naman talaga siyang ginawa para magka-ayos silang mag-asawa. Deep inside alam niyang mali siya pero ang ego niya ay hindi matanggap iyon.

“You leave me with no choice, Shirley.” Tumaas ang boses niya. Galit ang tanging alam niyang depensa sa guilt na nararamdaman ng mga oras na iyon.

“Anong walang choice? Meron, Charles. May choice ka kaya lang ang pinili mo ay ang pabayaan ako at ang anak ko.” Napataas rin ang boses nito pero halatang maiiyak na anumang sandali.

Lalo lang siyang nginatngat ng guilt. Alam niyang kasalanan niya ang paghihiwalay nila ni Shirley. Pero sa nagseselos niyang isip hindi niya matanggap ang katotohanan na una nitong minahal si Brandon, ang kanyang pinsan at baka hanggang ngayon.

Akma niyang lalapitan si Shirley nang dumating ang kanyang ina.

“Kayo lang pala. Akala ko kung ano na ang nangyari sa bahay ko. Goodness, daig niyo pa ang sirena ng bombero sa lakas ng mga boses ninyo.” Binalingan nito ang anak. “At ikaw Juan Carlos bakit ngayon ka lang? Hindi ba’t tumawag ako sa ‘yo at nagpapasundo kami ng apo ko sa airport?”

Napangiwi siya. Dalawang tao lang ang tumatawag sa kanyang totoong pangalan, ang mama niya at ang kanyang lolo. At kapag ganun back-off na siya kundi malilintikan ang tenga niya sa sermon.

Nagkibit balikat siya. “Kararating ko lang galing sa opisina, Ma. May inasikaso lang akong mga papeles ng farm kaya nawala sa isip ko na darating pala kayo.”

Nilapitan ng ina niya ang asawa at niyakap ito. Siya naman ay nakatanggap ng matalim na tingin mula dito. Wala na siyang magawa. Napatingala na lang siya sa langit. Somehow nagpapasalamat siya at dumating ito hindi niya kasi alam kung ano ang mangyayari kapag nagpatuloy pa ang pagbabatuhan nila ng salita ni Shirley.

“Come hija. Compose yourself. Huwag mong pansinin ang anak ko. Remember may party ka pang dadaluhan mamaya. Hindi maganda kung a-attend ka na namamaga ang mga mata mo.” Inalo nito ang asawa. “Let’s eat breakfast. Nakaramdam na ako ng gutom. Hindi na rin naman ako makakatulog pang muli. Nasaan na ba ang apo ko?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Missing You Since...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon