Chapter 1

28 0 0
                                    

Isinandig Shirley ang likod sa swivel chair. She suddenly felt tired.  Muli niyang tiningnan ang email ng kaibigan para sa kanilang highshool homecoming. Pinikit niya ang kanyang mga mata when her mother-in-law, Maria Lourdes Salvatorre-Ignacio, entered the room.

“I knew it. Wala kang balak na mag-respond sa invitation ni Lyka.” She accusingly said. Kahit ang mga mata nito ay hindi itinago ang akusasyon. Walang duda na tinawagan ng kaibigan niya ang kanyang biyenan para magsumbong dito. The email sent to her was dated two days ago.

Inaasahan na niya ang magiging reaksyon nito. Ilang homecoming invitation na ang kanyang tinanggihan? Last year pa siya kinukulit ni Lyka na dumadalo. Ilang ‘let’s see’ na rin ba ang idinahilan ko sa kanya? And her mother-in-law too kept bugging her to go home. Gusto na nitong umuwi na siya.

“Mom, ngayon ko lang nabasa ang email ni Lyka. And yes wala akong balak na mag-reply. Wala pa akong balak na umuwi,” sagot niya habang nakatingin sa harap ng monitor ng kanyang laptop. Nasa kalagitnaan kasi siya ng pag-iedit niya ng kanyang article ng dumating ito. Kailangang maipasa niya ito mamaya sa kanyang publisher.

“No need. Nakausap ko na siya at sinabi ko sa kanya na dadating ka. Naayos ko na rin ang mga papeles mo at nakakuha na ako ng ticket mo for your flight to the Philippines next week.”

Literal na nalaglag ang panga niya sa sinabi ng biyenan.

“What?!” Napatayo siyang bigla mula sa kinatatayuan. She was sure surprised to hear it. “Mama naman hindi magandang biro iyan.”

“And I’m not joking, either. Masyado nang matagal ang pagtatago mo ditto sa US. It’s time for you to face some matters you left hanged three years ago.”

“Ugh.”

Nanlulumo siyang bumalik sa pagkakaupo at sinandal ang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair. Ayaw na niyang makipagtalo pa. Wala na siyang magawa. At nasisiguro niyang ang patriarch ng mga Salvatorre ang nasa likod ng pagpapa-uwi sa kanya. She sighed defeatedly.

Her mother-in-law looked at her with sympathetic eyes.  “Hija, I’m sorry kung pinangunahan kita. Gusto ko lang na matapos na ang lahat ng issues ninyo ng anak ko. Hindi ko hihilingin na magkabalikan kayo, which in fact yun naman talaga ang gusto ko in the first place, I just want you two to talk. Set things clear for the both of you.”

She sighed. “Paano ang mga commitments ko dito? Ma, may trabaho ako.”

Iwinasiwas ng ginang ang kamay nito. Giving her a glimpse of a well manicured fingers. She almost rolled her eyes. Her mother-in-law always have a time to pamper herself. Minsan nga nagtatalo pa sila kapag type nitong ayusan siya. Mas pipiliin pa kasi niya ang mag-jeans at simplen t-shirt lang kaysa mag-skirt. Hindi kasi siya kumportable.

“Isa kang freelance writer, Shirley. Kaya hindi ka mape-pressure ng mga editors mo. Ewan ko ba naman sa ‘yo kung bakit nagsusulat ka pa para sa ibang magazine kung kaya mo rin namang maging editor ng sarili mo.”

She took a deep breath. Going back home is not a good idea but maybe it’s not that bad either.

“Philippines...so be it.” Not that she hated the idea. She just dreaded it.

NANGANGAWIT NA si Shirley sa kakaupo sa arrival ng NAIA pero wala siyang namataan na magsusundo sa kanya. Hindi naman niya alam ang numero ng bagong bahay nila sa Manila.

She impatiently tapped her phone. She tried dialing her mother-in-law pero answering machine lang ang sumasagot. Nakalimutan kasi niyang sabihin sa biyenan na tawagan ang caretaker nila para ito na ang sumundo sa kanya. Hindi niya gusto ang idea na magta-taxi siya.

“Shirley?”

Nilingon niya ang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran. And she was more than glad nang makita si Lyka. Sinugod siya nito ng mahigpit na yakap.

“Oh my god! Hindi mo man lang ako tinawagan na uuwi ka.”

“Ano ka. I tried calling you kaya. Kaya lang sabi ng kasambahay mo, you were out of town. Hindi rin ma reach ang mobile mo.”

Lyka were in tears nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Hinila siya nito para maupo sa bench na kinauupuan niya kanina.

“I missed you.”

“Same here.”

“And you will attend our homecoming!” Lyka exclaimed excitedly. “Yup.”

Napatingin ito sa bagahe niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng kilay nito. Hahaha, nakita kasi nito na isang maliit na hand carry bag lang ang dala niya maliban sa kanyang shoulder bag.

“Wala kang sundo?”

“Wala e. Hindi ko ma-contact si mama kaya hindi ko makuha sa kanya ang numero ng bagong bahay namin dito.”

“Bakit hindi mo tinawagan si Charles para sunduin ka? Nandito rin siya sa Manila.”

Tinapunan niya ito ng nagbabantang tingin. Lyka just shrugged.

“Ang liit naman nitong bag mo. Hindi ka ba talaga magtatagal sa Pilipinas.”

“Alam mo ang sagot ko diyan. At saka masyado akong minadali ni mama na umuwi para maka-attend ako ng reunion natin. I was in haste kaya isang ito lang ang nadala ko.”

“You’re alone? Bakit hindi mo kasama si Carlie?” Ang tinutukoy nito ay ang tatlong taong gulang niyang anak.

“Susunod na lang daw sila the day after tomorrow. Pero mas gusto ko sanang huwag na lang silang sumunod dito. Tutal hindi naman ako magtatagal dito. Ayaw ko na nga sanang dalhin ang anak ko pero mapilit si mama. Gusto na raw ng Lolo Arthur na makita ang anak ko.”

“Hahaha, wala ka talagang magagawa kapag kumilos na ang biyenan mo and Don Arthur is very manipulative. Nakakasiguro akong inutusan niya si Tita Lourdes na pauwiin ka na."

"But I'm not ready, Lyka. Not yet. Feeling ko kahapon lang nangyari ang lahat. It took me a year para makapag-move on. Kung hindi dahil sa anak ko baka hindi ko makayanan ang lahat."

"Dahil nga umalis ka. Nandito naman kami para damayan ka ah. Pero naiintindihan kita nung umalis ka. Kaya lang masyadong matagal ang limang taon mo. Nainip na siguro si Don Arthur kaya siya na ang gumawa ng paraan para pauwiin ka. At isa pa, hindi forever na matatakasan mo ang lahat dito sa Pilipinas, Shirley. Sooner magkikita at magkikita kayo ni Charles.”

She sighed. May point nga naman si Lyka. Bahala na si Batman sa susunod na mangyayari. panalangin niya na sana hindi niya muna makikita si Charles.

“By the way, bakit nandito ka sa airport?” Pag-iiba niya ng topic nila. Ayaw niya munang pag-usapan si Charles. Hindi pa siya komprtable.

“May meeting ako with a photographer kasama ang manager ko. Pero dadaan muna ako sa unit ko to freshen up. Galing pa kasi ako sa atin.”

Her friend, Lyka, is a marketing assistant ng isang tanyag na local magazine sa Pilipinas. Hindi man nito natupad ang pangarap nito noon na maging cover model ng isang magazine kahit papaano minahal na rin nito ang naturang trabaho.

“Hindi ba kalabisan na doon na lang muna ako. I look like an idiot sitting here.”

“With pleasure, dear friend.” Ito na mismo ang nag bitbit ng bag niya.

Missing You Since...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon