(16) BIRTHDAY GIFT

882 9 2
                                    


GRACE P.O.V

Ilang araw na ang lumipas na kasama ko si ken.Hindi naman ako impokrita kaya masasabi kong nakakakilig ang ginagawa niya dahil lagi niya akong hatid sundo at medyo close na kami.

Kasalukuyang kasama kong maglunch si Ken.

"G-grace anong gusto mong Kainin?"Medyo nauutal at mukhang nahihiya siya magsalita.

Ngumiti nalang ako sa kanya at kinuha ko sa bag ko ang Baon na luto ni ina.

"Pwede bang ito nalang ang kainin natin?"Nag aalanganin kong tanong.Tinolang manok ang niluto ni ina at Pakbet.Ewan ko kasi kung kumakain ba siya nitong mga ulam na niluto ni ina.

After naming kumain ay inayos ko na ang pinagkainan namin sa lamesa at may kinuha ako sa bag na Bracelet.

Nalaman ko kay Shasha na Birthday niya pala ngayon kaya nagulat man ako ay gumawa ako ng regalo kay Ken.

As a thoughtful Girlfriend. Gumawa ako ng Regalo sa kanya.Syempre,Ginawa ko lang itong Bracelet na may Perlas at ang pinakadesign niya ay ang Krus ni jesus.

I made him a gift ...Oo, made lang dahil wala akong pambili.Total,Siguro naman itatapon niya lang din naman ito.

"Ken..."Mahinahon kong sabi habang nasa kamay ko at Hawak kong regalo para sa kanya.

"Hmmm?" Tanong niya habang nakatingin sakin.

"Happy B-birthday pala sayo."Mahina kong sabi sa kanya.

Nakita kong nabigla siya at napalitan ng saya.

"A-alam mo pala?" Nakangiti niyang tanong.Medyo nailang naman ako pero hindi ko nalang inintindi.

"Salamat! Grace."Masayang sabi niya.

"Ito nga pala ang Gift ko para sayo.
Pasensya kana kung Homemade lang yan...pero kung g-gusto mo... itapon mo na-" Hindi na natulay ang sasabihin ko dahil niyakap niya ako.

"You know how to bring smile to my face...Thank you so much Grace."Sabay kalas niya ng pagkakayakap.Namula ako sa sinabi niya.

"Your blushing,huh?"Sabay Smirk niya at tila nang aasar.Nakakahiya!

Namumula ang mukha ko.Parang kamatis dahil sa Maputing balat ko.

Bat ang bilis ng heartbeat ko!
Calm down heart, please!

Parang tanga kong sabi sa sarili ko.

"By the way,This is the beautiful thing I've ever had.Pero bakit Krus ang nakalagay?"Tanong niya sakin.

" k-kasi naisip ko,kapag may hihilingin ka kay God pwede mong tignan yan at dasalan.
Parang magsisilbing rosaryo pero Bracelet yan na pwede mong gamit gamitin."Masayang sabi ko sa kanya.
Medyo tumawa lang siya pero mahahalata mong peke lang ito.
Siguro hindi siya naniniwala kay god pero bakit niya pa ito tinanggap?

"Hindi ka ba naniniwala sa kaniya?" Malungkot na tanong ko.

"Hindi naman siya totoo eh."
Nakasimangot na sabi niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Hindi naman nag eexit yang Diyos nayan eh.Bakit kamo? Noong namatay ang mama ko nandon ba siya? Diba wala? Hinayaan niya lang na mag suffer sa sakit ang mama ko!
Diba makapangyarihan siya? Bakit niy naman kinuha agad ang mama ko?Bakit hindi niya gamitin ang kapangyarihan niya para iligtas ang mama ko? Wala man lang siyang ginawa!"Medyo naluluha sya.Nagulat ako dahil nakita ko ang emosyon niya ngayon.nandito kami sa rooftop at kaming dalawa lang ang nandito.

Agad ko namang hinawakan ang kamay niya.Umiwas lang siya ng tingin sakin dahil alam kong ano mang oras ay maaring tumulo ng tuluyan ang kaniyang luha.

Devil Wants HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon