DARING THE KING OF JERKS
Chapter 3
Gabi na. Nasa hapag kainan kami ngayon.Magkaharap sina Mama at Papa
Wala si kuya dahil bukas pa ng linggo yung uwi nya."So ano tong nabalitaan ko Angel? " sabi ni mama.
I glared at Papa. Sumenyas naman sya na wala syang alam.
Napabuntong hininga naman ako.
"Di ko po talaga sya boyfriend ma. Paniwalaan nyo ako. " pagmamakaawa ko.
Sana naman paniwalaan nya ako. Kumunot yung noo nya.
"Boyfriend?" Nagtatakang tanong ni mama.
"Di po ba yun yung sasabihin nyo? "
"Hindi. Balita ko may sinapak ka na naman sa school nyo."sabi ni mama. Binaba nya yung kutsara't tinidor na hawak nya at tinignan ako ng seryoso.
"Ha? Ah yung ba? Wala yun. Epal lang yun sa buhay. " tinaasan naman ako ng kilay ni mama.
Napangiwi naman ako. Lame excuse. Oo alam ko. Psh.
"So sino tong boyfriend mo? " tanong ni mama at nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain.
"Ma! Sabi ng di ko sya boyfriend eh"parang bata kong sagot.
"Sus! yan din yung sinabi ng mama no noon nung nahuli kami ng lolo mo na naghahalikan sa kwarto nya. Diba mahal? " sabi ni papa na nakatikim naman ng matinding batok sa ulo.
Binelatan ko sya. At nag make face naman sya
Psh isip bata.
And the night went on na puro panunukso ni papa sa pikon na si mama. Mabuti nalang naiwala ni papa yung topic. Hays
~FlashBack~
"Angel? " biglang sabi nang isang boses na ipinagdadasal ko na sana hindi si papa.
Sabay kaming napatingin ni Glance sa lalaking nakatayo sa gilid ng sofa.
Nanlaki yung mata ko.
Bigla akong napatayo ng tuwid at ganon din si Glance
"Pa" lagot. Aish nakatingin ako kay papa na tinitignan si Glance mula ulo hanggang paa.
Awkward namang napangiti si Glance.
"May relasyon ba kayong dalawa? " tanong ni papa na nakataas ang kilay samin dalawa ni Glance
"Opo "
"wala po" halos sabay naming banggit ni Glance. Kaya nagkatinginan kami. I scowled at him at nag pout naman sya.
Yung seryosong mukha ni Papa at napalitan ng ngiting aso. Sinamaan ko ng tingin si Glance na. Nakangisi din na nakatingin kay Papa.
"So... Welcome to the family? " Sabi ni papa
"A-anong welcome to the family?! Pa!! "Nageeskandalo kong sabi.
YOU ARE READING
Daring The King Of Jerks: [hiatus]
RandomAngel Hernandez Glance Blake Hernaez Subaybayan ang Makulit na labstori ng dalawang ewan. ~ Under revision ng very light. Klyth_Maere 💜❤