Chapter 3

3 0 0
                                    

"So pumunta lang tayo dito para mag boy hunting kayo?"

"Kj naman nito ikaw na nga itong hinahanapan namin eh"

"Sino ba nagsabing ihanapan niyo ako?" inis kong tanong.

"Kami,ayaw mo ba nun and for sure papasalamatan mo kami"

"Hindi na kayo nakakatuwa"

Nagkatinginan sila pareho at nilapitan ako para maakbayan,hinayaan ko silang umakbay sa akin pero naiinis na talaga ako.

Ang akala ko ay pumunta kami rito para gumala at mag window shopping but it came out na pag bo-boy hunting pala ang ginawa nila.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag. I answer the call si Misha tumatawag.

"Eonnie!" tarantang tawag niya sa akin.

"Yes?"

"My g! nag aaway ba kayo ni kuya?"

"Hindi?bakit?" hindi siguradong sagot ko nag-aaway ba kami?

"Oh! I thought you two are fighting,thank goodness at false alarm lang pala" sabi niya

Nanahimik ako ng ilang sandali. Iniisip ko kung tatanungin ko ba o hindi. Tinitignan ako ng mga kaibigan ko at tila alam kung sino ang kausap ko. They're also waiting kung tatanungin ko ba si Misha about kay Krent.

"Eonnie,you there?"

"Ah, Mish..." Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang pagtatanong baka kasi sabihin niya na wala akong tiwala sa kapatid niya kahit ba sinabi na niya sa akin ang dahilan kung bakit hindi nagpaparamdam si Krent. Ilang linggo na rin kasi mula noong sinabi ni Misha ang tungkol sa pag momodel ni Krent, ang alam ko tatlong araw lang iyon pero bakit umabot na ng dalawang linggo.

Hindi naman sa wala akong tiwala pero ewan napaparanoid ata ako kahit hindi naman dapat. Ni hindi ko na nga masyadong hawak ang phone ko dahil dun eh,lagi na lang akong sumasama sa mga kaibigan ko makapaglibang lang.

"Yes eonnie?"

"Akala ko ba...." pinutol niya ang sasabihin ko,marahil ay alam niya na kung ano ba ang gusto kong malaman.

"About kuya ba eonnie? busy kasi siya sa modeling,hindi ko pa po siya nakakausap simula nung umalis siya,ang alam ko tatlong araw lang dapat iyon but mom told me na may unexpected project daw na natanggap ang company nila at siya ang naisipang ipadala sa Baguio,but don't worry eonnie mahal ka ni kuya,he won't cheat" pagliwanag niya.

To be honest hindi ako masyadong nakumbinsi sa sinabi niya.

"Okay" iyon na lamang ang tangi kong sinabi bago pinutol ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako at walang pasabi sa mga kasama ko na uuwi na ako. They called my name pero hindi ko sila binigyan ng pagkakataon para sulyapan. Ewan ko ba kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko para kay Krent.

"Ceigh! jusko kang bata iyan na nga ba ang sinasabi ko eh,bumangon ka na jan aba malalate kana!"

Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang unan. Ang aga aga ang lakas ng boses ng nanay ko,hindi nalang nahiya sa kapitbahay.

"Ceigh!"

"Oo na po!" sigaw ko. Kahit pa tinatamad akong bumangon ay pinilit ko ang aking sarili.

Nagbihis ako at pagkababa ko ay naabutan ko si mama na naghahain ng pagkain.

"Nagpuyat ka nanaman,hay nako Ceigh, dahil ba sa Krent na iyan kaya ka nagkakaganyan?" kunot noong tanong sa akin ni mama.

"Ma,anong kinalaman ng lalaking fictional character na iyon"? bagot kong tanong

"Aba malay ko sa iyo"

Umupo siya sa harap ko at nagsimula ng magsandok ng pagkain.

Napatigil ako sa pagkain bigla at napasunod si mama. Tinaasan niya ako ng kilay bago sumimsim ng kape.

"Pero ma ang weird lang"

"Sa iyo ako naweweirduhan nak,iyan ba ang naidudulot ng wattpad sa'yo?"

"Grabe ka ma!"

Sinimangutan ko siya at itinuloy ang pagkain ko.

"Kasalan! ano sasama ka ulit mamaya?" tanong ni Yumi.

Umiling ako at umupo sa usual seat ko. Tinignan nila ako ng may pagtataka. Inirapan ko lamang sila.

Nakita ko sina Paris at Ivan na dumaan sa classroom namin. Sikat ang dalawang iyon dahil sa lovestory nila. Ang daming naiinggit sa kwento ng dalawang iyon though hindi pa kami sure sa status nila.

Isa ako sa naiinggit sa kanila. Kasi alam kong magiging sila,pustahan pa tayo *wink*.

Hindi ko sinasabi kina Yumi dahil paniguradong aasarin ako ng mga iyon. Minsan iniisip ko na sana magkaroon din ako ng lovelife . Kasi minsan iniisip ko,ano kaya ang feeling ng may boyfriend?

Kung pwede nga lang na agawin ko si Krent kay Cara ay ginawa ko na pero alam kong fictional character lamang siya. He's not existing in my world he's from fictional character wold.

"Miss Dela Rosa! if you don't want to cooperate in my class better go home"  bulyaw sa akin ng teacher namin.

Tinitigan ko lamang siya. All eyes are on me pero wala lang iyon sa akin. The heck nandito na pala si Sir.

"What? are you just going to stay there, I said answer the question on the board!"

Alam kong namula ako dahil sa kahihiyan.

"Sir masama po kasi ang pakiramdam niya" pagsisinungaling ni Zaira. Napatingin ako sa kanya. She looks worried.

"Ganun ba,bakit hindi niyo sinabi agad"

Napairap siya at inalalayan akong tumaya.

"Tara sa clinic Ceigh hayaan mo yang si Mr.Miguel"

Tumayo ako at hinayaan ang sarili kong alalayan ni Zaira. Ano bang nangyayari sa akin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling Inlove To A Fictional CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon