CHAPTER TWENTY-FIVE
- Play your playlist here -
"Saying a plain Sorry is much better than explaining why you're saying sorry"
- MKRA
< - - - >
Gian's POVI got everything that I need to know para malaman kung nasan nga ba si Paolo.
Nang agad na binigay ni Nina sakin ang hinihingi ko ay agad kaming pumunta ni Drea sa isang subdivision kung saan nakatira si Paolo.
Tumigil kami sa isang maayos na tahanan at pinagmasdan namin to
"So dyan na nakatira yung Bestfriend mo"
"He did worked hard. Tinupad nya ang pangako naming dalawa"
Lumabas ako ng sasakyan at nagdoorbell. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko na nakalabas na din pala ng sasakyan si Drea
After a few minutes biglang bumungad samin ang Tito ni Paolo
"Sino yan? . . ."
Napatigil sya ng makita nya ako sa gate nila. Pinunasan pa nya ang mata nya gamit ang kamay nya pero ngumuti lang ako sa kaniya
"PAOLO!" Pagsigaw nya
Kaya agad na lumabas si Paolo
"Ano po yun Tito?"
Agad na napatingin samin si Paolo at nanlaki ang mata nya.
"Anong ginagawa nyo dito?!" Pagalit na pagsasalita ni Paolo
"Alam mong buhay si Gian? Kailan pa?" Pagtatanong ng Tito nya sa kaniya.
Nagkatinginan lang kami ni Drea dahil hindi namin alam kung san sisismulan ang sasabihin kay Paolo
"Paolo please . . Mag usap tayo . ."
"Wala tayong dapat pag-usapan Gian"
"Paolo meron. Pwede ba makinig ka kasi muna"
"Bakit may magbabago ba kung mag-eexplain ka? Wala naman diba?! Kaya pwede ba umalis nalang kayo!" Pagtataboy sakin ni Paolo pero hindi ako umalis
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ko kinakausap"
"Edi magdusa ka dyan! Tara na Tito"
"Paolo kausapin mo na si Gian sige na Iho"
"Tito!"
"Alam nyo para kayong magsyota. Magsyotang may malaking LQ"
Napatingin lang ako kay Drea sa sinabi nya, bigla nalang napatawa ang Tito ni Paolo kaya nakita kong kumalma si Paolo
"Pwede ba mag-usap nalang kayo? Wala namang mawawala kung mag-uusap kayo diba?"
Nagtinginan kami ni Paolo
"Sige na Bro. Gusto ko lang magpaliwanag"
Lumakad papunta samin si Paolo at pinagbuksan kami ng gate, pinapasok nya kami sa bahay nila at inexplain ko na din sa kaniya ang lahat-lahat.
BINABASA MO ANG
The Comeback
Ficción GeneralThe Comeback By: Love_eternity112 A story which is related to the "Arise of Mr. Nobody" Gian Joseph Manolo isang anak na nawalan ng mga magulang dahil sa isang insindente na hindi nila ninais na mangyare sa buhay nila. Alaala nalamang nya ang maliit...