Chapter V

231 13 1
                                    

Chapter V

Geoff's POV

   "AAAAAAAAAAAAAAAAaaaaaaaaaaaaaaaaa......" sino ba yung maingay?

"Tiiiiiiiiittttaaaaaaaaaa............." teka si beshie ata yun aaa nakita ata kami ni arjay na magkayakap,nakakahiya. bakit kasi ang hilig mangyakap ng monster na to?

si mama pumasok napabangon tuloy agad ako

"hoy Geoff? sabihin mo nga, gumamit ba kayo ni arjay ng proteksyon haa?"

"ah ma..? anong proteksyon sinasabi mo?"

"wag ka ng mag maangmaangan pa, sa susunod gumamit kayo,..ayoko pang magkaapo txaka wag niyong ilihim kung anong meron kayo ni arjay, tanggap naman namin nak, ,matagal na lalo na yang pagiging ganyan mo"

ano? inaakala siguro ni mama na may nangyari samin ni arjay.as if naming mabubuntis ako no at akala niya siguro boyfreind ko to."

"ma hindi ko-" diko na natuloy sasabihin ko ng magsalita siya ulit

"wag mo na ikaila pa, boto naman ako sakanya simula bata palang kayo, oh siya bumaba na at mag almusal na tayo..." wala na lang akong nasabi napatulala nalang ako at tiningnan ko yung katabi ko,tulog pa din, at alam ni mama na si Ar-Ar si Arjay? hindi man lang niya sinabi sakin

at ang bruhilda kong beshie ayun pagkatapos ko tiningnan ng masama tumakbo ba naman bigla palabas...txaka bakit ang aga nun?

"eff-eff?"nagulat ako  hala, lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko

"Ar-.. Arjay?...." naiilang akong tawagin siyang ar-ar

"tulog pa tayo" mmm ang cute niya ahh,,

"hoy bumangon kana nga jan, almusal na daw sabi ni mama"

tumayo na siya at pumasok ng banyo, nauna nako sa baba, at nandun lumalamon si beshie, antakaw talaga aa at sumabay nako...

si arjay naman ayun umupo sa tabi ko

"bruha? bakit ang aga mo?"

"wala. makikikain, masama ba?" timawa talaga, dinaman tumataba

saktong pag dating ni arjay

"oh nak? may hindi pala kayo sinasabi sakin ni Arjay haa"

"Tita?" "ma?" sabay kami ni arjay

"ah nevermind, understood na yun, at arjay ingatan mo yang baby girl namin haa,,"

"ma!..." kainis talaga si mama

"opo naman tita, magiging ayos po siya sakin,"

si Arjay, nang iinis ba to?

"oh basta wala munang toooot haa"

nagulat kaming dalawa, hindi nalang kami nakapagsalita

kumain na nga lang kami..........

"fredo? asan pala yung gwapong kasama mo? bakit hindi na sumabay kumain?" wait? may kasama siya?so hindi lang si beshie ang nakakita samin sa ganung sitwasyon? txaka gwapo? si besh ang harot nagdala ba naman ng jowa niya dito

"ah tita anjan lang po yun sa labas, kumain naman na daw po kasi siya...papahangin lang daw po muna saglit..."

"uiy beshie? jowa mo?"

"hindi no, si liam yun besh, nagsabay na kami pumunta dito.." oh my goshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh sira na talaga lovelife ko nito hindi ko pa nga siya sinasagot ee..

    Natapos na kaming kumain, at saka lang pumasok si liam

OH! NO! ....nakita kaya niya kami? sana naman hindi at baka hindi pa nagsisimula ang malafairytale kong lovelife eh masira na agad.

Living With A Hunk  (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon