Chapter XI

136 10 0
                                    

Chapter XI

Geoff's POV

"oh nak?" si mama,, pagkarating ko nagtataka siguro siya kung bakit dala dala ko lahat ng mga gamit ko

"ma, uhm dito po muna ako huh" malungkot kong sabi kay mama,, pilit kong hindi ipahalata sakanya,, ayoko namang sabihin na dahil saamin ito ni arjay

"may problema ba nak?"

" ahm wala naman po ma..."

"Geoff, pwede mong sabihin kay mama, kilala kita kapag may problema ka,, sabihin mo na kay mama,, makikinig ako" hindi ko na napigilang mapaluha sa sinabi ni mama, sa tingin ko sila lang ni papa ang taong mapagkakatiwalaan ko para dito.. hindi ko na napigilan ang sarili ko lumapit nako kay mama niyakap siya at umiyak ako kay mama naupo muna kami sa sofa,,,

"ma? ang sakit po" ang nasabi ko kay mama,, ang bigat sa dibdib ng dinadala ko..

"sige lang nak, ilabas mo lang kay mama, wag mong pigilan" napaiyak ako ng todo sa sinabi ni mama

"tungkol ba sainyo itong dalawa ni arjay nak?"

tumango tango lang ako kay mama, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kay mama...

"ma, mas pinili niya ang ibang tao para saakin, ako na boyfreind niya pero mas pinili niya ang iba,," patuloy ko na pag iyak kay mama

"mahal mo ba nak si arjay?" tumango lang ako kay mama habang yakap yakap siya

"pag usapan niyo yan nak, kung mahal ka ni arjay ikaw ang pipiliin niya"

"yun na nga po ma ee, pinili niya po yung ibang tao kesas sakin, ang sakit sakit sakit po" mas hinigpitan ko ang pagyakap kay mama,, hindi ko mapigilan ang mga luhang patuloy na umaagos galing sa mata ko... ang sakit ang bigat bigat sa pakiramdam

"tahan na nak, kung gusto mo sumama ka muna saamin ng papa mo... sembreak niyo naman na, at napakiusapan ko naman na ang mga prof mo, kaya mapapaaga ang bakasyon mo, isasama ko dapat si arjay pero, siguro tayo tayo na lang muna..."

"sige po ma" yun nalang ang nasabi ko kay mama, kelangan ko na sigurong kalimutan pa si arjay hindi lang siguro kami para sa isa't isa......

................................................................................................................

Arjay's POV

Pag-uwi ko wala si eff... wala ang mga gamit niya pinilit ko siyang tinatawagan,pero hindi nagriring ang phone niya... pumunta ako ng bahay nila pero sarado, walang tao.. umalis kaya sila?

kasalanan ko ito ee,,, imbis na kampihan ko siya si vanesse ang kinampihan ko,, pero mali naman kasi si eff.. babae parin si vanesse

ilang araw na lang monthsary na namin.......

pumasok ako ng kwarto... nakita kong may papael na nakaipit sa lampshade,, sulat ni eff,,, kinuha ko ito at binasa

PAALAM JAY........

yun lang ang nakasulat sa papel,, pero napaluha na lang ako sa nabasa ko,,,,basang basa na din ang papel na hawak ko...

"bakit eff? bakit moko iniwan???" sorry......i should listen to your explanation first............

...................................................................................................................

Living With A Hunk  (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon