Enrollment na naman katamad pa lumuwas ng Manila, nakakainis pa man din yung mga professor kung saan ka magpapa assess, but no choice kailangan kung magenroll ngayon baka maubusan ako ng subjects.
Ako nga pala si Sophia Guevarra, Accountancy student yan lang muna, dahil yan lang talaga, gusto niyo bang malaman na no boyfriend since birth ako, Oh ayan na nasabi ko na hahaha kainis lang, wala na kasing seryoso sa mundo, gusto puro fling fling nalang, ginawang for rent ang mga babae o kaya lalaki 😤😤
By the way ito na nga mageenroll na kami, kasama ko bestfriend ko si Clarisse Dizon di mo kami mapaghihiwalay nito swear kahit mag away kami neto magkasama pa rin kami, no choice eh, kami lang naman magkakilala sa school namin, not actually magkakilala, kasi madami naman kaming group of friends, kami lang talaga ang destined sa isat isa hahah 😂😂
Dalawang araw nalang pasukan na, kaya heto ako magisa sa National Book store bumibili ng pagkain haha malamang gamit para naman may mapagsulatan ako, nag aaral ako ng mabuti kasi 😉🙂
Habang nagtitingin ako ng books may tumabi sa akin nagtitingin din ng books pero bakit parang yung boobs ko yung tinitignan niya haha syempre joke lang, parang nakatingin sa akin, paglingon ko sa kanya bigla siyang umalis nabangga niya pa ako, nahulog tuloy yung mga hawak ko, di man lang ako tinulungan ng lalaking yun, sarap niya pagbabatuhin ng mga dala ko, pasalamat siya, gwapo siya, joke di pa rin pwede yun, kahit magsorry man lang.
Bumili ako ng turon, favorite ko yung turon dito sa SM eh yung may langka yum yum sarap ^_____^ para kumakain ako habang naglalakad, walking distance lang yung condo na binili ng parents ko sa akin, malapit lang din sa pinapasukan kung school, pwede nga lakarin eh para tipid gasolina ng kotse ko, dahil dakilang tamad ako, syempre nagcocommute ako haha kahit ayaw ng Mommy ko delikado daw, dahil matigas ang ulo ko, sinusuway ko 😂😂
Pagkadating ko sa unit ko, para talagang may nakasunod, nababaliw na ata ako. Natulog nalang ako, dahil may pasok na bukas, ang hectic pa naman ng sched ko sunod sunod na MWF kainis 😤😤
Panggabi naman kasi lahat ng class ko, kaya maglalakad nalang ako, hindi naman na mainit eh. Ito na naman yung instinct kung may nakamasid sa akin 😬😬 syempre dahil maganda ako, dedma ko nalang yun, matakot siya sa akin, nagaral kaya ako ng kungfu hahaha 😂😂
Pagpasok ko ng campus, maybinubully na naman yung mga Maritime sa gilid, dahil mabait ako, nilapitan ko.
'Uy!! Anong ginagawa niyo sa kanya!! Mahinahon lang na sabi ko.
'Hwag ka nga mangialam dito, may atraso ito sa amin!''Kayo nga may atraso sa akin eh' sabi nung inaapi nila.
Sasampalin na sana nung isang lalaki, pero nahawakan ko yung kamay niya.
'Babaliin ko ito o aalis kayong lahat sa harapan ko!!'
'Ang tapang mo ah!!' Susugod na sana sila sa akin ng sumigaw ang kasamahan nila.
'Araaaaaaaaaaay! Pare ayoko mabalian ng braso, atras na!'
At nagsi alisan silang lahat.
'Okay kana ba?' Tanong ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko.
'kay laki mong tao di mo sila labanan'
'Ayoko kasi ng gulo'
'Hindi pa ba gulo yang pinasukan mo? Sige aalis na ako may klase pa ako.'
'Eric nga pala' sigaw niya
'Sophia' nakatalikod kong sagot at nagwave na sa kanya, tinatamad ako humarap eh.
YOU ARE READING
Because It Is Love
RomanceHuwag matakot mainlove, just go with the flow. Kung napapasaya ka nito, grab it and be happy, enjoy every seconds with your love. Dont afraid to show your feelings, expressed it and feel the love.