Chapter 2

3 0 0
                                    

Miguel's POV

Akala ko magagalit siya sa ginawa kong paghila sa kaniya kanina. Kanina ko lang kasi nakita na may kasama siyang lalaki, lagi kasi siyang magisa at ang bestfriend niya lang ang kasama niya lagi. Nasigawan ko pa siya kanina.

Ako nga pala si Miguel Villafuerte, Doctrine ang kinukuha kung degree mas matanda ako ng tatlong taon kay Sophia, oo matagal ko na siyang binabantayan, sinusundan, ngayon lang ako nagpakita sa kanya dahil sa lalaking yun, akala ko manliligaw niya, simula noong nag aral siya sa University na pinapasukan ko, yun lang ang araw na may nakabuntot sa kanya, kaya di ko na napigilan ang sarili kong hilain siya. Ang akin ay akin lang. Ngayong kilala na niya ako, wala na akong sasayanging oras para makasama siya, kahit na ang hectic ng oras ko kung kinakailangang nasa tabi niya ako gagawin ko, basta masigurado kung walang aali-aligid sa kanya.

Nagdinner na kaya yun? Makatok nga sa unit niya.

(doorbell)

Bumukas yung pinto, nakabihis na siya ng pambahay.

'Nagdinner kana? Kain tayo sa baba' yaya ko, may restaurant kasi sa lobby ng condominium na ito.

'Sure, wait' kumuha lang siya ng cardigan niya, hanggang tuhod, naka short at malaking t-shirt lang kasi siya.

'Magoorder nalang sana ako eh, tinatamad kasi ako bumaba, at dahil alam kung ililibre mo ako syempre grab the chance, ang lungkot din kumain mag isa eh'
Nakangiti siya habang sinasabi iyon, ang ganda talaga niya, dapat ako lang ang dahilan ng mga ngiting iyan.

'Masama yan, kung laging fast food ang kinakain mo, starting today sa unit na kita kakain, ipagluluto kita'
nagulat ako sa sinabi ko, napaka protective boybriend ko naman kung saka sakali, sana nga talaga.

'Talaga?' ka niya tingnan mo ito, hindi man lang marunong tumanggi haha pero okay na rin yun atleast sabay kami kakain

'Yehey!! Di na ako magisa kumain ng dinner'
sabay kiliti sa akin, napaka masayahin talaga neto, akala mo walang problema.

Pagkatapos namin kumain nagsalita siya.

'Migz'

'Hmmmmm'

'Inom tayo, kahit dalawang bote lang, wala naman pasok bukas eh' sabi niya

'Hindi pwede' kako

'Sige na, ngayon lang naman, next time di na kita aayain' ka niya

'Kapag iinom ka, dapat niyayaya mo ako lagi, baka kung mapano ka'
mygod baka nakakahalata na itong babaeng to 😬😬

'Ngayon lang naman eh, daliiiii na kasi, bili tayo dun sa tawid' ka niya.
Kaya tumawid kami, hinawakan ko yung kamay niya, alam ko kasing takot siya tumawid, at hinawakan niya naman ng mahigpit yung kamay ko, hanggang sa nakapasok kami sa convenience store, tsaka lang niya binitawan noong kumuha na siya ng alak. Tinitingnan ko lang siya habang nagbabayad siya sa counter.

'Tara na' nagulat pa ako, nasa harapan ko na pala siya

'O-ok lets go'


Because It Is Love Where stories live. Discover now