TN. Pangalawang Parte

5 0 0
                                    

Kabanata II

"Sa oras na makaharap mo na ang Master, wala kang ibang sasabihin bukod sa ina ka ng anak ng young master. Bawal kang magkamali ng sasabihin dahil tiyak na sasabog ang bungo mo. Naiintindihan mo ba?"

"N-Naiintindihan ko." simple kong sagot.

"Nakilala mo siya sa isang bar at inalok ka niya ng pera kapalit ng pagbubuntis mo sa kanyang anak na agad mo namang tinanggap."

Napaangat ako ng tingin sa lalaking nangangalang Gordon na siya kong narinig sa kanyang mga kasama. Siya din iyong lalaking nagdala sa'kin kanina dito sa kwarto. Sa tantiya ko ay isa siya sa mga pinagkakatiwalaang tauhan dito.

"Hindi ako ganyang klase ng babae."

"Wala akong pakialam kung anong klaseng babae ka! Sumunod ka na lang para hindi ka masaktan." aniya at lumabas na ng kwarto.

Naiyukom ko ang aking kamao dahil sa matinding galit na nararamdaman. Gusto ko ng sumabog pero alam kong ikapapahamak ko lang 'yon. Lumandas ang isang luha galing sa aking pisngi na agad ko namang pinahid. Kailangan kong maging matatag. Hindi ako pwedeng maging mahina, hindi iyon makakatulong sa pagtakas ko.

Kahit gustuhin ko mang umiyak ay pinigilan ko ang aking sarili. Natatakot ako sa tinatawag nilang young master, natatakot ako sa posible niyang gawin sa'kin kapag sinuway ko siya. Kahit sabihin kong hindi ako dapat matakot, hindi ko pa din mapigilan. Nilalabanan ko pero sadyang napakahirap. Nanginginig ang aking katawan sa tuwing naiisip kong kasama ko ang mga taong pwedeng pumatay sa'kin.

"Patricia."

Napatingin ako sa pinto nang pumasok mula doon ang matandang babaeng nag-ayos sa'kin kanina. Ngumiti siya at lumapit sa'kin pero kaagad din iyong nawala nang matitigan ang aking mukha.

"Anong nangyari? Bakit namumula ang iyong pisngi?" taka niyang tanong at bahagya itong hinimas.

Kaagad kong iniwas ang aking mukha at pilit na ngumiti. "Wala ito."

"Hangga't maaari, sumunod ka lang sa kanila. Kayang-kaya ka nilang saktan sa simpleng pagkakamali mo lang."

"Okay lang ako. Huwag ka ng mag-alala."

"Sa susunod ay mag-iingat ka. Halika na. Pinapatawag ka na ng young master." aniya at inilahad ang kanyang kamay.

Inabot ko ito pero pinigilan ko ang akma niyang paghila sa'kin palabas.

"Bakit ako?" tanong ko dahilan para lumingon siya sa'kin. "Nasa'n ang totoo niyang ina? Bakit kailangan niya pa ng taong magpapanggap na ina ng anak niya?"

"Hindi ko alam. Wala akong alam tungkol sa ina ng anak niya. At kahit alam ko ay wala pa din ako sa lugar upang sagutin iyan, Patricia."

"Eh ikaw, bakit ka nandito? S-Sinabi mong naranasan mo na din ito. Paano iyon nangyari? Dinukot ka ba din nila?"

"Hindi nila ako dinukot. Kusa akong nagpunta dito at nagpaalipin."

"Bakit?" nagtataka kong tanong. "Bakit mo gugustuhing manatili sa ganitong klase ng lugar?"

"Dahil iyon lang ang tanging paraan na alam ko." aniya at muling ngumiti. "Halika na. Hinihintay ka na nila." muli niyang hinila ang aking kamay palabas.

"N-Naguguluhan ako." sambit ko.

"Huwag kang mag-alala, kung may pagkakataon ay kekwentuhan kita. Sa ngayon, pumunta ka muna sa opisina ng master."

The NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon