Kabanata I
"Huwag kang pasaway! Dito ka lang, naiintindihan mo ba? Dapat pagbalik ko ay nakabihis ka na!" duro sa'kin nang lalaking humila sa'kin papunta sa kwartong 'to.
Umiiyak akong tumango habang nakayuko. Ayokong ipakitang natatakot ako pero hindi ko mapigilan lalo na 'pag nababaling ang tingin ko sa baril na nasa kanyang kamay. Nanginig ang aking kamay kaya marahan ko iyong kinurot-kurot para ibsan ang aking kaba.
"Paliguan siya at bihisan!" baling niya sa matandang babaeng nasa gilid ng pinto at naghihintay ng utos.
"Masusunod." aniya at bahagyang yumuko.
Tuluyan ng lumabas ang lalaki sa kwarto at kaming dalawa na lang ang naiwan. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay habang umiiyak.
"Pakiusap... I-Ialis mo ako dito. P-Please..." pagmamakaawa ko.
"Halika na. Kailangan mong magpalit ng damit." aniya at inalalayan ako papunta sa banyo.
"Please, tulungan mo ako..." umiiyak kong sabi. "Parang awa mo na..."
Sandali siyang huminto at hinarap ako. "Sumunod ka na lang sa kanila para hindi ka masaktan." ngumiti siya at hinawakan ang aking pisngi.
Lumingo ako at agad na lumayo sa kanya. "No!" sigaw ko. "A-Ayoko dito!"
"Halika na. Kailangan kitang paliguan at bihisan bago pa siya bumalik dito." inilahad niya ang kanyang kamay.
"H-Help me..." nanginig ang aking labi habang sinasambit iyon.
Kailangan kong makatakas pero hindi ko alam kung paano! Basta ayoko dito!
"W-Wala akong kasalanan... Hindi ko alam kung bakit nila ako dinukot pero wala akong kasalanan. Pakiusap tulungan mo ako..."
Bumakas ang awa sa kanyang mukha. Maging ako ay naaawa at natatakot para sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako nandito! Hindi ako dapat nandito! Wala akong naaalalang may ginawa akong masama.
"P-Please po... Tulungan niyo akong makaalis dito." lumapit ulit ako sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay.
"Naiintindihan ko ang takot na nararamdaman mo." tipid siyang ngumiti at hinimas ang aking buhok. "Naranasan ko din iyan. Pero wala na tayong magagawa. Kahit tumakas ka ay mahuhuli ka pa din nila. Kaya halika na bago pa siya bumalik."
Unti-unting gumuho ang pag-asa na aking pinanghahawakan. Umiiyak akong nagpaubaya sa kanyang paghila sa'kin patungo sa banyo. Habang nililinisan niya ako ay ipinikit ko na lang ang aking mga mata sa pag-asang isang masamang bangungot lang ang lahat ng ito. Pilit kong pinapaniwala ang aking sarili na hindi ito totoo. Pero sa tuwing binubuksan ko ang aking mga mata, mas lalo lang akong napapaiyak sa reyalidad na hindi ito isang panaginip. Nandito ako at nakakulong. Sa isang lugar na hindi ko alam kung saan kasama ang mga taong hindi ko kilala.
Hindi ko alam kung pa'no niya ako nagawang bihisan gayong ang tangi ko lang namang ginawa ay ang umiyak. Sinuotan niya ako ng kulay puting damit na aabot lamang hanggang sa tuhod ko. Kasalukuyan niyang sinusuklayan ang aking buhok habang nakaharap ako sa salamin. Namumula na ang aking mata at ilong dulot ng walang tigil na pag-iyak. Maging ang aking pisngi ay basa na ng luha.
"Ano ang pangalan mo?" mahina ang boses niyang tanong.
"P-Patricia." nanginginig ang aking boses na sagot. "Bakit nila ito ginagawa sa'kin? A-Anong kailangan nila? Wala naman akong kasalanan sa kanila..."

BINABASA MO ANG
The Nightmare
General FictionPatricia, a girl who experienced a dark nightmare. Sundan ang kanyang kwento at alamin kung anong mangyayari sa kanya sa kamay ng 'god of death'-Thanatos. @gorgever ©All Rights Reserved