Chapter Forty-Five

15.5K 370 15
                                    

          

Chapter Forty-Five

"WHAT'S WITH THAT woman? Paano kung hindi kaagad nadala sa ospital si Lorenzo? At paanong nagawa niya iyon kay Lorenzo? Mayroon pa ba akong hindi alam?"

"Seriously, Queen, you should calm down. Kami ang nahihilo kapaparit-parito, eh."

She just glared at Ken. Na sa hospital room sila ni Lorenzo na ngayon ay maayos naang lagay. Hindi talaga niya maintindihan kung ano ang topak ng Ysabelle na iyon. She has a hunch on why she poisoned Lorenzo pero ayaw niyang i-push ang ideyang nabubuo sa isip niya.

"Mabait na bata si Lorenzo." Steven said out of the blue.

"He loves making coffee for all of us." Ani Jordan.

"He smiles a lot too." Richard added as he pinched Lorenzo's cheek.

"Sobrang uto-uto rin kasi nito kung minsan, eh." Ani Ken na may kung anong sinusulat sa naka-cast na kaliwang kamay ni Lorenzo. "Kapag naka-recover 'tong gagong ito, babawi iyan for sure. Mabait si Lorenzo pero tarantado rin ang isang ito, eh." Naka-ngising dagdag ni Ken.

Tapos noon ay nagkanya-kanya na ng sulat ang mga ito sa cast ng kamay ni Lorenzo at tanging si Rui lamang ang nanatiling nakaupo at hawakang cellphone. Napasibangot siya at binato si Rui ng nadampot na tissue. Kinunutan siya nito ng noo.

"Seriously, Rui? She's only sixteen!" umiiling na sabi niya pero nagkibit-balikat lang si Rui.

"Uy ano iyan? Sino yung sixteen? Ikaw Rui, sumisimple ka." Ani Ken na biglang lumapit kay Rui at pilit na sinisilip ang cellphone nang huli.

"Princess,"

Boses ni Leandro ang nagpahinto sa akmang paglapit niya kila Rui na noon ay nagkakaingay na. Akala mo nasa bahay nila.

"I'll find her. Don't go anywhere. Just stay with those idiots. Ganyan man silang tignan pero mapagkakatiwalaan naman ang mga iyan. I just don't know when will they grow up." Tila disappointed na tatay ang itsura ni Leandro habang nakatingin kila Ken na kinukulit si Rui.

"Tangina. Lumayo nga kayo!" tila napipikon ng sabi ni Rui.

Yumakap siya kay Leandro at mukhang na-tense itong bigla lalo na noong tumahimik ang paligid. Isinubsob pa niya ang mukha sa dibdib nito at napangiti siya nang tumikhim si Leandro at tinangkang alisin ang mga braso niyang nakayakap sa bewang nito.

"Princess," may halong babala ang tinig nito.

"Leandro," panggagaya niya sa tono ng pananalita nito.

"I need to go."

Tiningala niya si Leandro habang nakayakap pa rin dito. "Hindi pwede. Kapag nakipagkita ka sa Ysabelle na iyon, may posibilidad na hindi ka na makabalik dahil kahit hindi mo sabihin, alam kong patay na patay sa iyo ang babaeng iyon. Idagdag pa nag alit siya ngayon dahil sa ginawa mong pagkumpirma na hindi niya katawan iyong nakita noon. She might take you away from me, Leandro."

"Babalik ako. I only belong where you are, Princess. Sa'yo lang ako. You don't need to be jealous." Bulong nito sa kaniya.

"Tangina. Kinikilig ako, Rui! Pa-kiss nga!"

"Fuck you!"

Hindi na lang nila pinansin sila Ken. Eh ano kung nanonood ang mga ito sa kanila ni Leandro? Mamatay sila sa inggit! At mamamatay ang aagaw kay Leandro.

"Okay. But I'll go with you." determinado niyang pahayag.

"No."

"Then you're not going anywhere." Matigas niyang sabi. "We made a promise, Leandro. Don't break it."

Princess No More (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon