Fallen for a Gamer (part 2)

67 2 0
                                    

[the Continuation…]



Jessie's POV

"ARAY!!! ", hiyaw ko nung may nabangga akong lalaking nakatalikod.  Nung ako ay nasa lapag na,  kinusot ko ang aking mga mata at hinawakan ang aking ulo na natamaan.  Dahil nakasuot ako ng jacket na blue at may hoody,  nung natumba ako,  nahubad ang hoody ko at nakita na ang aking buhok na may kulay. 

Nakita ko na ang nakabangga kong lalaki ay nakasuot ng red na jacket,  naka-cap at mistiso.  Dito rin siya nag-aaral?!  Yung mokong iyon?!

"Uy!!  Sorry miss... (lumingon at nakita ako)  ...a-ay!  Jessie?", tanong niya sa akin habang tinutulungan niya akong tumayo.  Ang lambot ng mga kamay niya!  Grabe!!  Bakit alalang-alala siya sa akin?  Kahit nag-aalala na siya,  ang pogi pa rin niya!!!

AY!!!!  STOP IT,  J!!!

Bigla ko rin namang inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.  Kahit gwapo siya,  'di ko pa rin siya pagbibigyan sa mga ginawa niya sa akin!!

"Hoy!  Baka akala mo na nakalimutan ko nang---", naputol ang pagsermon ko sa kanya noong naabutan na ako nga mga gamers na nang-bubully sa akin.

"...nakalimutan mo nang may humahabol sa iyo?! ", banta nung lider nila.  "Oo na oh,  sorry na mga tol!  Sorry kung nagmukha na akong hambog sa inyo dahil gusto kong makisali sa inyo. "

"Hey guys,  don't mess with her,  okay? ", singit ni Ash. "Oh!  May isa pang pa-epal dito eh,  ano,  suntukan? " Wow hah?!  Suntukan sa school campus ng umaga?  hahaha... sabagay,  yung mga teachers nasa klase na nila at malaki ang school.

"Oo ba! ", hamon rin ni Ash.  Yieee!!!  Nice! Ang gwapong gamer na... fighter rin sa real life!!  heheheh.

Isa sa kanila ang nag-umpisa nang umatake sa kanya pero nailag niya.  Naisip ko agad na parang nasa Tekken 7 si Ash pero marami nga lang kalaban.  Ang sigaw ko,

"ASH!!  RIGHT ARM PUNCH! ", at sinunod naman ito ni Ash.

"UPPER CUT! " (WAPAK)

"SUPER KICK! " (CHIKKU)

"ILAG!!  SA LIKOD MO! ", lumingon siya at naka-ilag. 

"ABANTE!  ABANTE! SUPER PUNCH! " (PAK)

"SIGE!  ATRAS!  ATRAS!  HIGH KICK! " (POKK)

"ARM TWIST! " (CHUSLDHBKDLKKK)

Tapos may lumapit sa aking kalaban na nagsabing, "Ikaw babae ka,  ang ingay mo!! ", at itinakpan niya ang bibig ko galing sa likuran ko pero siniko ko naman ito ng ilang bases at hinawakan ang kanyang brasong nakapulupot sa aking bibig at umikot hanggang mabalian ng braso at ...

FINISH HIM!! (Mortal combat lang ang peg)

...inapakan ko ng malakas ang paa niya. "SHHHHEEEEEEEEEEEEEEE---", (PAK)  bago pa niya tapusin ang pagmura niya,  sinampal ko na.  Sino nang mas maingay sa atin?!  Hah?!

Lahat sila ay nagsitakbuhan paalis. Nakita kong napagod rin si Ash sa ginawa niya.  Pero nagawa pa rin niyang ngumiti sa akin at nag-ayos pa ng nagulo niyang buhok. 

"Okay ka lang,  Jessie? ", tanong niya.  "Yah!  okay na okay! Nice!  Ang galing natin! ", nakataas na ang palad ko para makipag-apir sa kanya at si naman itong ngumiti at makikipag-apir rin sa akin hanggang sa naalala ko ang ginawa niya sa akin dati. 

"Ay!  Oo nga pala! ", ibinaba ko agad ang palad ko at siya naman itong nakipag-apir sa hangin.  Hahahahha,  Laugh trip!!

"Uyyy,  sorry na.  Ah!  May ibibigay pala ako para sa iyo. ", umalis siya sa harapan ko at nakita ko siyang may kinukuha sa bag niyang nakalapag. May iniabot siya sa akin. Hahhhh!!!!!  O Me Gesh!!!! 

ONE PIECE : BURNING BLOOD FOR PLAY STATION 4!!!!!! 😍😍😍😍

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ONE PIECE : BURNING BLOOD FOR PLAY STATION 4!!!!!! 😍😍😍😍

"Sayo na,  Jessie.  Sorry na sa ginawa ko. ", Is this even real?  O me gesh!! Hulog siya ng langit dahil siya yung taong nakakaintindi sa akin at alam niyang hindi lang ako mahilig mag online games pero mahilig rin ako sa video games!!!

"A----ah... umm,  thank... you. ", dahan-dahan kong kinuha ang pinaaabot niya sa akin at tinitigan ko ito ng matagal.

"Ahhahaha... mahilig ka rin pala sa mga video games noh?  hahahah. ", nakaka-in love yung mga pangangasar niya sa akin.  This time,  pangangasar sa babae.

Hay!  Grabe!!  Soul mate ko ata siya.  Thank you Lord na may taong ganito na katulad ko.  Hahaha,  grabe ang saya ko lang.

At doon nag-simula ang love story ko kay Ash.  Parehas kaming gamer at mula noon,  lagi kaming nag-kakasundo sa mga meet ups para makipag-laro.  Well,  madalas rin kaming magkaaway pagdating sa labanan.  Hahaha,  nakakatuwa nga na kapag natatalo ko siya,  ginugulo ko ang buhok niya at siya naman itong magsasabi ng, "Last game!! ", pero hindi naman talaga last. Isinasali ko rin si Blake sa laro namin para may isa pang taong mangangasar sa kanya.  Hahahah,  lakas ng trip ko sa kanya noh? 

Isa lang ang masasabi ko sa inyo.  Ang sarap ma-in love sa taong alam niya ang kaligayahan mo tapos binibigay niya ito para sayo at parehas pa kayo ng gusto. 

*********





Ash!!! ...

Oh,  ano iyon?

...Na saan si Pikachu?  Lakas mo maka-POKEMON outfit,  kapangalan mo pa!  😂😂

Humanda ka sa akin! 


The End



******Author's note******

Hahahah... Hope you guys enjoyed it!  😂😂😉








Cute Short Love Stories (CSLS)(10 stories completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon