chapter 2

1.1K 19 11
                                    

gail's pov

"marco" nagbalik na nga siya.. tinignan ko mabuti ung muka nya ang laki ng pinagbago, makikita mo na malayo na siya sa marco na nakilala ko dati.. matipuno na katawan nya pumuti na din sya at higit sa lahat muka na siyang mayaman kita un sa pananamit nya

"hindi ka pa din nag babago, napapalayas ka pa din sa classroom hahahaha" nakangiting sabi ni marco sakin, nakakainis!!! naiiyak na agad ako nakita ko pa lang siya!!

"madaming pwedeng magbago sa loob ng tatlong taon marco" mahinang sabi ko sabay yuko, ayokong ipakita sa kanya na kagaya pa din ako ng dati, pati nararamdaman ko kagaya ng dati

"hahaha sa bagay muka ka ng tao ngayon ah"

"uu nman pinaalbularyo ako ni nanay eh, kaya nawala ung kulam sakin kaya naging tao ako!" masungit na sabi ko

"sungit pa din ahh"

"ano kailangan mo bakit ka andito? umaasa ako na sana sasabihin nya na naisip ko, hindi pala kaibigan ang tingin ko sayo, mahal pala kita kaya ako nag balik kaso..

"tara sama ka muna sakin madami akong kkwento sayo"

tumango na lang ako bilang sagot, kasi alam ko gaya ng dati kaibigan lang ako, at alam kong hanggang dun na lang un matatapos.

nakarating kami ni marco sa isang park , nakakatuwang isipin dito sa park na to kami nun laging nag lalaro nila emmie, pero simula ng iniwan kami ni marco, tinigilan ko na ung pag punta dito.

umupo kami sa isang bench sa ilalim ng puno. di ako nag sasalita iintayin ko na sya ang mauna

marco's pov

ako pala si marco james alcantara, 4th year high school kaibigan ko si gail at emmie, kasama ko sila lumaki sa skuwaters area, nung mga bata pa lang kami, kaso simula ng nag pauto ung tatay ko sa pinagttrabahuhan nya, nag iba na ang buhay namin lalong lalo na ang buhay ko

 tinignan ko si gail ang ganda nya ngayon, ibang iba na sya kaysa dati, madami na kayang nag bago sa 3ng taon na pagkawala ko? kasi sakin spesyal pa din siya,

"naalala mo pa ba si claire?" pag basag ko sa katahimikan namin ni gail, nakakailang kasi, di ako sanay na tahimik si gail, nung mga bata pa kasi kami, siya ung pinakamaingay samin, kahit pa si emmie ung bunggangera

"oo siya ung bata na kinaiinisan mo, na pinag ddrive ni tatay mo db? ung galit sakin kasi sabi niya inaagaw daw kita? hahaha naalala ko pa siya daw mapapngasawa mo haha bata pa lang malan....."

"tama naman siya eh" pag puputol ko sa sasabihin ni gail

"huh? anong tama?" O_O reaction ni gail, kaya napatawa ako ng marahan

"mapapangasawa ko siya" seryosong sabi ko,

"huh? explain mo nga gulo lang ah masakit ka sa ulo" napatitig ako kay gail bigla, di ko alam kung ano ung nararamdaman niya ngayon, bigla kasing parang nag bago ung tono ng boses niya

"nung una kala ko biro lang kala ko lilipas din, kasi bata pa nga kami, nung lumipat kami sa binigay na bahay ng papa ni claire, sinabi nila na papakasalan ko daw si claire, kala ko lilipas din mawawala din pagkagusto ni claire sakin, nde pala habang tumatagal lalo siyang nakakasakal" mahabang paliwanag ko kay gail na titig na titig sakin, naawa kaya siya sakin? ung parang dati, pag alam niyang asa panget akong sitwasyon, siya ung nakakapag pagaang ng loob ko, ngayon kaya mapapagaang niya ung loob ko?

"marco anong konek nun sa paglayo mo samin? kaibigan mo kami diba? sabi mo sakin di mo ako iiwan"

"nagkasakit kasi si nanay sa puso, kailangan operahan sinagot lahat ng papa ni claire ung gastusin kay nanay, kapalit nun ang pagsama ko kay claire sa america"

what's good in happy ending? (EDITING!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon