I: HANG SIMULA

209 4 4
                                    

(A/N.: Again this is SOME-whut based on a true story, the names and places are changed. Some of the scenes too pero this is a true story. Sa totoo lang nakasulat 'to sa isang notebook. :P)

Jade's POV

Hi ako nga pala si Maria Jade Fuertes Reyes. 13 taong gulang isang Pilipino, Blood type A. Place of Birth Manila Birthdate... eep eep eep..

Kailangan ko pa bang sabihin ng lahat ng iyan?

Okay enough with the narrations and let's snap back to reality..

*June 16.. (First day of school)*

Nagising ako ng maaga. Oh yeahh. Second year na ata 'to. Ito na ata ang pinakaaabangan ng bawat etusyanteng katulad ko, ang first day of school. Yung feeling ng excitement, yung excitement na hindi mo pa alam kung sino yung mga magiging classmate mo, may gwapo ka bang seatmate, may strict na teacher at kung mayroon kang magiging crush.

Pumunta ako sa harap ng salamin at tinitigan ko ang sarali ko. Nagpray muna ako at nagwish na sana maging masaya 'tong araw na 'to. Lumabas na ako ng bahay at hinimas ang aso ko. Sumakay na ako ng bike.

Ang sarap ng simoy ng hangin, feel na feel ko yung bagong palda ko. Ang saya lahat bagoooo.

Nang nasa school gate na ako may nakita ako..

Si..sino 'to? Transferee kaya siya?

Shet ang gwapo naman! Pinagmasdan ko kung ano ang gagawin niya.

Woow ka-bait oh. Tinulungan niya kasi yung matanda tumawid. Napatulala na lang ako. 

Nakita kong lumalapit na siya sa akin... Ayan na ..

"Good Morning" bow, sabay killer smile. At natunaw na akooooooo.

Wala akong nasabi napatulala na lang ako hanggang sa nahulog na yung bike ko dun lang ako bumalik sa totoong mundo.

Sinampal sampal ko yung sarali ko. Itinayo ko yung bike at pumunta na sa loob ng school.Nakita kong ang daming tao sa bulletin board. Agad akong tumakbo (sorry excited lang).

"Tumabi kayo diyan!"  sigaw ko, siyempre siga lang.

Tumingin sila lahat sa akin at tumabi. wala akong pake.

Hinanap ko ang pangalan ko. At naramdaman kong may tumapik sa ulo ko.

"Tanga! Gradeschool yan!"

Tumingala ako at nakita ko si Rocko. Classmate ko dati kasama si Marshall.

"Sorry naman excited lang." 

"Kala mo kung sinong siga 'to oh." dagdag pa ni Marshall.

Lumipat kami sa kabilang bulletin board at ayun, andun pala ang highschool. Nakakahiya lungs -.-

Nakita naming magkakaklase pa rin pala kami. Nakakamiss din kasi dalawang buwan din kami hindi nagkikita. Ang nga kakulitan nila Rocko at Marshall, priceless talaga. Napunta ako sa Section-A. II-A (Mendel). 

Sabay-sabay kaming pumasok sa classroom at dun nakita namin sila Jaime, Ruth, Kerry at iba ko pangclassmates. Ang saya kasi magkakaklase kami ulit. Pumasok na ang adviser namin. Si Sir Jefferson Min. Koreano ata 'to.

"Good Morning class. My name is Jefferson Min. As you can see I am half-korean. And I can't really speak in tagarog."

"Patay mahihirapan tayo neto."  bulong ko kay Marshall.

"Ubusan lang ng dugo sa ilong?" dagdag ni Kerry.

"Haha, masyado naman kayo nag-alala. Ako nga pala si Jefferson Min. Ang inyong Filipino teacher.Koreano man sa inyong paningin Pilipino naman sa puso't salita."

Wew, may kakaibang trip ata 'to sa katawan. Pero parang may kamukha siya. Yung nakasalubong ko kanina. Baka naman kamag-anak? Hmm..

Nagpakilala na ang bawat isa and as usual pinakopya sa amin ang schedule at inexplain ang bawat rules sa school.

Recess time. Ang favorite time namin nina Marshall at Rocko. Sabay-sabay kaming pumunta sa canteen kasama ang mga bagong estudyante. Grabe.. Ang dami ng bagong muka at hitsuraaa. 

Pumunta kami sa playground at umalis muna ako para bumili ng mogu-mogu. 

"Kuya isa pong mogu-mogu."

"Kuya isa pong mogu-mogu."

Nagkatinginan kami, wait.. Siya yung lalaki kanina. Okay wag muna lumandi.

"Yung strawberry po."

"Yung strawberry po."

Aww, sabay na naman? Okay this is awkward.

Kinuha ko na yung akin at kumuha ng trenta sa wallet ko. Nang bigla na lang..

Binigay niya dun sa tindero 60 php at ngumiti sa akin. Hindi ko siya pinansin at umalis na. Enebeh? Blush-ON much ako e. Sana lang wag niyang isiping mataray ako, masyado lang akong nagblublush.

Bumalik ako sa may playground ng nagblublush pa rin at ngumingiti mag-isa.

"May nabili ka bang ,mogu-mogu?" tanong ni Jaime(Girl po siya).

Hindi ako naka-sagot kasi tulala pa rin at ngumungiti mag-isa. Nang bigla na lang akong tinulak ni Kerry(Girl po siya).

"OY! Sumagot ka naman, kinakausap e. Bastusan lang?"

"Hindi niyo ba nakikita 'to?"

"Kasi naman ikaw ang weird nakatulala na ngumingiti mag-isa. Ano ba?"

Wala akong nasagot.

"Hmmmm. Siguro nakakita ka ng gwapo noh? Nako! Si Mariaaaaaaa kinakati na naman !" sabay tawanan lahat.

"Over, first day pa lang. Landeeeeeeeh." sabi ni Ruth.

"Ano ba ang kulit niyo ha. Wala lang yun."

"Alalalala~~" lahat sila.

Grabe ang saya talaga kasama 'tong mga 'to. Bumalik na kami ng classroom at sinabing  bukas daw magpapakilala ang bawat subject teachers.Kasi nga first day half-day lang kami. Ang saya much talaga ng first day. Ano na? 

Pero isang malaking question mark pa rin talaga sa akin kung sino siya. 

Tumunog ang tiyan ko, mukang nagwawala na ata mga bulate ko. Kailangan ko na silang pakainin.

Nagpaalam na ako sa mga classmates ko at agad pumunta sa favorite kainan ko.

May Korean Ramen kasi dun ang mura pa. Tipid mode naman si ako.Pinark ko yung bike ko sa tapat at pumasok na sa loob.

As usual ang daming koreano dito, well Baguio naman 'to. 

"Ate tulad ng dati, yung pinakamaanghang!"

Habang nagsosounds ako sa phone ko. Bigla ko na lamang nakita sina Sir Jefferson at si "GUY"

oo si "GUY"

At bakit naman sila magakasama?

Oo, kakain sila pero bakit sila magkasama..

Don't tell me..

OH NOSE!!

BROMANCE?

Whut is the meaning of thiz?

---End of Chapter 1--

:)

~Jam

6/7 ~My one-sided Love~ (TeacherxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon