Chapter 1

6 0 0
                                    

Lloyd's POV

Nakks! POV ko ulit. Nga pala, nandito na kami sa school. Btw mga 4th year students na kami dito sa St. Martin Integrated School. Next year graduate na kami, balak nga naming magpatayo ng sariling restaurant nalang eh tutal sakto naman lahat ng mga courses namin sa isa't isa eh. Si Pat gusto maging bandista edi maglive band sa restaurant tapos si Boggs naman gusto maging HRM ayun siya na magmanage ng restaurant namin. Si Joax naman gusto maging chef, siya na magluto ng paborito naming dishes. At siyempre ako gusto ko talaga maging architect kaya ako na magdedesign ng restaurant namin.

Hindi pa naman kami nagdedesisyon kung yun na ba talaga pero isa yun sa mga pinagpipilian namin.

Sa magbabarkada, si Joax lang ang may kotse. Rk kasi, at may sariling buhay kasi siya. Divorced parents niya eh. And nakatira lang siya sa isang condo kung saan dun kami natutulog minsan. Father niya nasa states habang mother niya ay may ibang pamilya na kaya yung ate na lang niya ang nagbabantay sakanya. May times naman na naggeget together silang magpamilya pero bihira lang yun mga once a year ganun. At merong girlfriend si Joax, yun si Celestine. Pero tawag namin sakanya Toyang lang. Mahigit 2 years na sila eh, actually barkada na nga namin yun eh.

Eto naman si Pat, siya lang sa amin ang  may bigote de joke lang hahahahaha Parents niya? Wala na. Joke lang ulit HAHAHAHA

Si pat kasi siya ang madalas hindi umuuwi sa bahay dahil sa mga gigs or kung ano man yan, meron ding minsan tambay talaga siya sa condo ni Joax. Parents niya? Suportado yung pagbabanda niya pero hindi ibig sabihin nun ay full support na. May limitations pero swak lang kuha niyo? Si pat rin ang pinakarisk taker sa amin. At siya rin ang nagpapasimuno ng away, bakit? Pinagtatanggol kami. Siya ang mahilig makipagaway dahil ipinagtatanggol kami eh wala naman ginagawa yung tao hahahaha May girlfriend ba si pat? Aba meron edi si Erika. Recently lang sila mga 9 months palang sila pero grabe kung alam niyo lang, para na silang magasawa kung umasta. Puro sila in action if you know what i mean hahahahaha pero wag ka seryoso si pat sakanya.

Kung usapang seryoso naman aba talo na si Boggs. Siya ba naman ang pinakachick boy sa amin, pero hindi nagsasabay. Alam mo yung mabilisan lang relasyon nila kasi sawa na daw siya sa ugali ganun kaya next in line ulit na babae. Iba kasi kamandag nitong kumag na ito eh, kakaiba halos lahat ng babae sa school gusto siya. Aba malay ko ba kung anong nakita nila kay Boggs hahahahaha Sa pamilya ni Boggs 12 silang magkakapatid at siya ang pinakabunso. Halos lahat binibigay sakanya kaya let's say spoiled siya. Pero yung pagkaspoiled niya good naman basta yun na yun. Katulad nga ng sabi ko nung prologue, nagbago lang yan si Boggs nung nakilala niya si Ligaya eh. Well nililigawan ni Boggs si Ligaya ngayon pero ewan ko ba kung bakit ayaw sagutin ni Ligaya si Boggs. Siguro tinetest niya yun hahahahahaha

Ako? Si Lloyd? Aba walang girlfriend ito. Pero may nagugustuhan matagal na. Pangalan niya Ara. Torpe na kung torpe pero hindi ko talaga siya malapitan eh kahit makausap nga hindi ko magawa eh. Hanggang tingin nalang ako. Nagiipon lang talaga ako ng lakas ng loob para makipagkaibigan sakanya. Buti nalang nandyan ang sidekick/best friend ko, si Alyssa or Ali for short. Pinsan niya kasi si ara kaya siya ang bridge para sa mga gifts na binibigay ko kay ara. One of the boys si ali kaya palagi naming kasama. So technically, anim kami sa tropa.

Sa tingin niyo ano kaya ibig sabihin nung title? Ano kaya nangyari kay Ligaya? Bakit siya hinahanap? Sa tingin niyo happy ending itong story na ito? Hahahahaha We'll see.

The Trip to Find LigayaWhere stories live. Discover now