Chapter 3

6 0 0
                                    

Lloyd's POV

Nandito kami ngayon sa condo ni Joax ngayon at siyempre nandito si Toyang kasama namin. Si Erika? Sabi naman ni Pat may lunch daw siya kasama family niya, family oriented si erika eh sabi ni pat hahahaha

Sila Boggs at Pat nasa sala naglalaro ng PS4 eh habang sila Joax at Toyang nagluluto ng lunch namin. Goals nga sila eh kasi parehas silang magaling magluto. Si Ali naman may binili lang saglit sa book store. Ako? Nganga nagchecheck lang ng wall ko sa fb.

Habang nagscroscroll ako ay biglang dumating si Ali na nanghihingal at pinagpapawisan. Saan ito nagpunta? Bakit pawis na pawis?

Lloyd: Oh bakit ganyan itsura mo?

Boggs: Woah Ali kamusta marathon? *laughs*

Ali: Tantanan mo ako Boggs ah porket nakita ko lang si Ligaya kanina.

Biglang tumayo si Boggs at lumapit kay Ali.

Boggs: Huh? Saan? Pupuntahan ko. Dali sabihin mo naaaaaa.

Ali: Ano ka ba relax nga Boggs!

Boggs: Ay sorry.

Ali: Eto naman relaaaax. Nakita ko siya sa baba may kaaway ata.

Lahat kami napatigil sa mga ginagawa namin at nagtaka, sino naman yung kaaway niya? Kaya nagdecide kami na bumaba si Ali, Boggs at Pat para tignan kung anong nangyayari sa baba habang ako third wheel dito sa magkasintahan na nagluluto hanggang ngayon. Hayyy. Teka? Itext ko kaya si Ara? Tutal nasa akin naman na number niya eh. Ayun para naman may kausap ako.

Sinave ko na number niya sa phone ko at nagisip ng message na isesend sakanya...

Toyang: Magpakilala ka *giggle*

Nakita pala ni Toyang yung screen ng phone kaya yun yung sinabi niya hahahaha

Lloyd: Paano kung ayaw niya akong kausapin?

Toyang: Edi next time ulit. Busy nga siya diba? Pero try mo parin malay mo diba?

Sabay alis ni Toyang. Oo nga busy yun pero itetext ko parin hahahaha kulit ng budhi mo Alvarado.

To: Ara <3

Hi Ara! Si Lloyd ito. Hoping na magreply ka alam ko naman busy ka eh hahaha that's okay lang naman (:

Sent!

Boggs' POV

Nandito na kami ngayon sa lobby kung saan nakikita namin si Ligaya ngayon. Malamang may mata kami hahahaha kadee

Tama nga si Ali may kaaway nga siya. Guard kaaway niya tapos parang sinisigawan niya ito. Anyare? Sinubukan naming lumapit para marinig yung usapan nila...

Ligaya: Kuya wala na po ba talagang pagasa na mahanap yun?

Guard: Nako mam baka maliit nalang yung chance na mahanap yung phone mo. Kung ngayon lang sana nawala edi mahahanap pa natin mam at sira pa po cctv namin ngayon inaayos pa po. Pasensya na po mam.

Ligaya: Kuya naman! Nung umalis ako dito sa condo para pumunta sa school kanina dun ko na nawala eh. Kanina ko pa tinatawagan pero wala talaga eh.

Guard: Balitaan ko nalang po kayo mam kung sakaling nahanap namin. Balik nalang po kayo sa room niyo. Kami na po bahala.

At nagdabog paalis si Ligaya papunta sa elevator. Nako phone nawala deliks yun! Okay lang sana kung lipstick o kaya makeup kit niya kaso phone talaga eh hahahaha

Pat: Nako! Sayang yung phone niya ah.

Ali: Mahahanap pa kaya yun?

Boggs: Hanapin ko nga. *giggle*

Ali: Naks Boggs ikaw ba yan? Ngayon ka lang ata mageeffort sa isang babae ah.

Pat: Iba talaga kapag Ligaya na ang tumama sayo. *laughs*

Boggs: Shut up nga kayong dalawa. Hahanapin ko yun balik na kayo sa room hahahaha Balitaan ko nalang kayo.

Ali: Goodluck boy!

Pat: Picture ka sa phone niya kung sakaling nahanap mo hahahaha

At umalis na yung dalawa. Mahahanap ko kaya yun, tinatamad ako eh. Pero sige na nga baka mahanap ko lang. Baka lang naman. Sinubukan kong hanapin sa elevator baka nagstuck sa rug or something. Then sinubukan ko namang hanapin sa labas ng condo baka nahulog niya sa kalsada o kaya sa entrance mismo ng condo.

Wala talaga eh. Baka naman inuuto lang kami nun. Hay bahala na nga maghahanap ulit ako.


Kanina pa ako naghahanap pero wala parin talaga eh. Tinext na ako ni Lloyd na kakain na daw ng lunch. Kaya nagdecide na akong tumaas sa room namin para kumain. Habang naglalakad ak sa corridor ay may napansin ako sa flower pot sa gilid ng daanan. Shet! Iphone 6. Phone kaya ito ni Ligaya? Kinuha ko ito at binuksan. Nagulat ako sa wallpaper...





Si Ligaya nga! Pero damn ang ganda niya dito ah! Sobrang ganda niya. Kahit naman sa personal ang ganda niya. Sa sobrang tuwa ko napatalon talon ako sa saya at tinext ko sila Pat na mauna na silang kumain kasi may gagawin akong importante. Dumadamove si Benjamin Guillermo nakkss hahahahaha

Pat's POV

Nagtext sa akin si Boggs na mauna na daw kaming kumain kasi may gagawin lang daw siya. Siguro nahanap niya phone ni Ligaya hahahahaha

Nagsimula na kaming umupo sa lamesa at nagdasal. Nagsimula na rin kaming kumain at tinanong ni Joax kung nasaan si Boggs...

Pat: May ginawa lang daw important. Darating yun mamaya.

Ali: Nahanap niya noh? Hahahaha

Pat: Oo legit *giggle*

Lloyd: Yung ano?

Pat: Eh nawawala daw kasi phone ni Ligaya kaya ayun naiwan si Boggs kanina para hanapin. Siguro nahanap niya na ngayon kaya pupuntahan niya si Ligaya.

Joax: Ahh dito rin nakatira si Ligaya eh diba Toyang?

Toyang: Oo tama isang floor pa pataas dun na siya. Nakakasalubong ko yun minsan eh. Meron nga isang beses may kausap siya sa phone niya tapos narinig ko sabi niya "Ayokong pumunta dyan. Wag mo akong ginagantihan. "

Pat: Ginagantihan? Ano kaya ibig sabihin nun?

Joax: Ikaw ah nageavesdropping ka hahahaha

Toyang: Hala hindi ah. Narinig lang.

Joax: Joke lang kain na tayo.

Natapos na rin kaming kumain at in charge sa paghuhugas ay si Ali at Lloyd. Habang naghuhugas sila ay nanuod muna ako saglit ng TV at naramdaman kong may nagvibrate sa couch na inuupuan ko.

Kinuha ko yung phone at napansin kong kay Lloyd ito. Nang binuksan ko ay may nagtext sakanya at nakita ko si...

Pat: Lloyd! Si Ara nagtext sayo!!

The Trip to Find LigayaWhere stories live. Discover now