||

1K 16 0
                                    

Habang natutulog si Reine ay bigla na lang siya nakarinig ng iyak ng isang bata.

Nagdadalawang isip siya kung tatayo ba siya o hahayaan na lang iyon. Nginut sa tagal ng iyak ay naisip na lang niyang tumayo. Ngunit pagtayo ay biglang nawala ang iyak.

Nagtataka man. Binalewala na lang niya.

Hindi niya alam kung ano ang nag tulak sa kanya para umakyat sa rooftop ng apartment pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang nakarating na siya sa dulo ng rooftop at tumitig sa mga bituwin.

Bigla na lang siya nakaramdam ng bagay na tumama sa paa niya. Pagtingin niga ay isa itong basketball.

Tumakbo ang bata papunta sa kanta para kunin ang bola. Pagkakuha ng bola ay tumingin siya kay Reine at ngumiti na sinuklian din ni Reine ng ngiti.

Bumalik ang bata sa pwesto niya at naglaro ulit habang si Reine ay nagtataka.

"Bata. Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Masyado nang gabi oh at puro lamok na."

Hindi siya sinagot ng bata kaya napaisip si Reine na baka hindi ito nakakarinig o ano.

Nilapitan niya ang bata at hinawakan sa balikat. Nagulat siya sa kanyang nakita pagkaharap nito.

"Shh..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon