|||

826 19 1
                                    

   Ang kaninang maamong mukha ng bata ay nawala na.

   Ngayon ay ang mata niya ay puro puti, may tahi ang bibig, puro pasa ang mukha at katawan at may kulay pulang likido na tumutulo mula sa mga mata niya.

   Sa sobrang gulat at takot ay napasigae si Reine ng malakas at tumakbo agad sa pinto pababa ng hagdan.

   Bago siya makabalik sa loob ay may humarang na babae na lalong ikinagulat niya.

     Lagpas balikat ang buhok nito na medyo gulo gulo, puti rin ang mata nito at may mga ugat na nakapaligid ng mata niya at mayroon siyang bakat ng guhit sa kanyang leeg.

   "Diba sabi ko bawal maingay?!" Sigaw ng babae na halata ang galit sa mukha.

   Sa sobrang takot niya ay bigla na lamang siya hinimatay.

———

   Nagising na lang siya sa loob ng kwarto, pawis na pawis.

   Habang iniisip ang nangyari, may narinig siyang bumulong sa tenga niya. "Shh..."

   Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay nasigurado ni Reine na hindi niya ito guni-guni lamang.

"Shh..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon