HP 3

3.2K 116 17
                                    

Jin's POV

Tinitigan ko si Hikaru habang tutok na tutok ito sa kanyang ginagawa. Kasalukuyan syang nag-i-sketch ng interior design para sa itatayong restaurant.

Naninibago ako sa kanya dahil hindi ako sanay na makita syang nakasalamin.

She changed. She changed for the better.

Maaga pa lang pero subsob na kami sa trabaho.

Binitawan ko ang ballpen na hawak ko at sumandal sa swivel chair.

"Want some coffee?"-I asked. Nag-angat sya ng tingin at inayos ang suot na salamin.

"No-Uh...I mean I want cold chocolate."-she requested.

Awtomatiko akong napangiti. Marami mang nagbago sa kanya pero meron pa rin namang hindi nagbago. "Sure. Just wait for few minutes."-I replied.

"Oh. Thank you."-she said and go back to what she's doing.

Tumayo ako at lumabas sa opisina. Agad na bumati ang aking secretary ng makita ako.

"Good morning sir."-he greeted.

Nag-abot ako sa kanya ng dalawang libo.

"Buy a cup of cold chocolate and a cup of brewed coffee with two sandwiches."-I ordered.

He just nod his head and left immediately.

Sinarado ko na ang pinto ng office at bumalik sa aking ginagawa.

Kailangan naming matapos sa mga gawain. Pagpirma lang naman ang kailangan kong gawin.

Matatagalan lang siguro kami sa pag-sketch ni Hikaru. Alam kong magaling sya pero kailangan pa rin talagang maglaan ng sapat na oras para magawa nya ng ayos.

Ilang minuto pa ang lumipas at biglang tumunog ang cellphone ko.

Dinampot ko ito at agad na sinagot ang tawag ng makita ang pangalan ng kliyente namin.

"Hello Mr.Tan?"-I greeted. Mabilis na bumaling ang tingin ni Hikaru sakin ng marinig ang pangalan ng aming kliyente.

"Hello Mr.Stevens. Can I ask a favor?"-nagdadalawang isip na saad ni Mr.Tan

Nagtatakang tumingin sakin si Hikaru. I mouthed 'wait' to Hikaru and she nodded.

"What is it Mr.Tan?"-I asked.

"Can you come and check the location? The workers are already there and just waiting for a command from the engineer."-he said.

Pagkatapos nyang sabihin yon ay may kumatok. Sinenyasan ako ni Hikaru na ipagpatuloy ang pakikipag-usap at sya na ang tumayo upang pagbuksan ng pinto ang kung sino mang kumakatok.

"Yeah. Sure. We will go there before lunch time."-I said.

Ang secretary ko ang kumatok. Kinuha lang ni Hikaru ang pinabili kong breakfast.

He only said his thank you before I ended the call.

Tumayo agad ako at lumapit kay Hikaru.

Inabot nya sakin ang kape at kinuha nya naman ang cold chocolate para sa sarili nya.

Umupo ako sa tabi ni Hikaru, mahaba ang couch na pwedeng magkasya ang apat na tao.

Inilagay nya sa isang tabi ang ginagawa nya. We fell in a deep silence. Tanging ang paghigop lang namin sa bawat inumin namin ang maririnig.

Bumuntong hininga ako at sumandal sa couch.

"How are you?"-pangangamusta ko at pagbukas ko sa topic

His PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon