HP 11

2.6K 119 7
                                    

Aki's POV

Napayakap ako sa aking mga braso. Ngayon ko lang napagtanto na malapit na pala ang pasko. Hindi ko manlang naalala o naramdaman ng mas maaga.

Ganito rin yung panahon limang taon na ang nakakalipas. Panahon na dapat ay kasama ko ang buong pamilya ko pati na rin ang mga kapatid ko.

Ang digmaang nangyari sa pagitan naming ng aking aking na ayoko na sanang maalala pa.

I stared at my hands. This pair of sinful hands, ito mismo ang pumaslang at kumuha sa buhay ng aking kapatid.

Kung para sa akin lang, ayoko nang ipagdiwang ang pasko dahil lagi akong binibisita ng mga alaalang dati ko nang ibinaon sa limot pero ayokong maging makasarili, my kids love Christmas so much and I can't take away their little happiness.

Bumalik sa realidad ang aking kaisipan ng bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Jin na basang basa sa pawis. He looks so handsome. Saan naman kaya sya galing at nasan ang mga bata? Kasama nya lamang ang mga ito kanina.

"Where have you been?"-tinanong ko na sya bago pa sya tuluyang pumasok.

Dumiretso sya sa kanyang walk in closet. Napataas ang kilay ko ng walang pagdadalawang-isip na hinubad nya ang shirt na suot nya at kumuha ng tuwalya upang ipunas sa katawan nyang pawisan.

Balak nya bang ipagmayabang sakin ang maganda nyang katawan? Well, I am not in the mood to drool over his sexy body. Oh damn! Where that word came from?

Lumapit sya sa kama kung saan ako nakaupo. Humiga sya sa tabi ko.

"Naglaro kami ng mga bata sa labas."-sagot nya sa tanong ko kanina.

Mabuti naman at nagkakaroon sya ng pagkakataon na makasama at makabonding ang mga bata.

"Tumawag si Mr.Tan. Gusto na nyang matapos ang ipinapagawa nya."-Jin

Hindi naman ako bumalik ng tuluyan dito para lamang sa bagay na iyan. May mas importanteng bagay pa akong dapat gawin at yun ay ang pagbalik sa mafia.

Having a work is just my façade.

"How's the mafia?"-I asked Jin. Saglit syang sumulyap sakin.

"It's fine."-maigsing saad nya. Tss. Liar. Being the mafia boss, alam kong mahirap para sa kanya na sabihin na hindi ayos ang mafia lalo na sa mga transaksyon na nasasabutahe. It's his pride who eats everything.

"Why did you ask?"-balik tanong ni Jin.

Tinitigan ko sya sa mga mata nya. "Kapag sinabi ko ba ang dahilan ko ay maniniwala ka?"-tanong kong muli na ikinakunot ng noo nya. Saglit lamang yon at tumango na sya.

"I want to take my position again as the mafia empress."

*****

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo dito sa mismong tapat ng pinto ng mansion. Kasama ko si Jin pati na rin ang mga bata. I'm thankful because Jin granted what I want.

Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sakin sa pagpasok.

"Why are we standing here mommy?"-Red

Hindi ako sumagot. Nanatili lamang akong nakatingin sa kahoy na pinto. Damn! What the hell is happening to me? Buo na ang desisyon ko at nakapagpasya na ako. Babalik ako sa mafia sa tulong ni Jin.

Hindi ko na napigilan si Jin nang buksan nya ang pinto at bigyan ako ng isang ngiti. It was an assuring smile that makes me feel comfortable.

Jin's POV

His PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon