My Exchange Gift (ONE SHOT)

580 21 2
                                    

Exchange Gift 

Written by: SOFIE TERRY RED

Yna's POV

"Good morning class sorry kung ngayon lang ako nakapasok pero wag kayong mag-aalala dahil magkakaroon din tayo ng Christmas party bukas." Nakangiting sabi ni Miss Lomio.

"Yehey!" We all said in chorus.

Isang buwan din kasing nawala ang adviser naming si Miss Lomio dahil may mga inasikaso daw siya pero okay lang yun at least tuloy ang christmas party namin.

"If you can see I'm holding a small box here that contain your name. So if I call your name one by one just simply proceed in front."

"Yes Miss."

"Kathleen Casapao."

Tumayo naman si Kathleen tapos bumunot na siya doon sa maliit na kahon.

Hindi naman alphabetical ang pagtawag ni Miss Lomio kasi sinusunod lang niya ang seating arrangement namin.

"Sofie Terry Red."

Tumayo naman itong bestfriend ko sa tabi ko.

"Uy sino nabunot mo?" Tanong ko agad sa bestfriend ko pagkabalik niya.

Ipapakita na sana niya sa akin yung papel kaso bigla naman akong tinawag ni Miss Lomio.

"Yna Frank."

Tumayo na nga ako sa kinauupuan ko kaso muntikan naman akong masusob dahil doon sa nakaharang paa ni Kevin Ramos at kapag minamalas pa nga naman ako si Jared pa ang nakasambot sa akin.

Jared Salvador is just an ordinary student. Hindi siya ganoon ka-popular sa school kasi hindi naman siya heattrob, hindi rin siya genius at lalong-lalong hindi siya gangster pero gwapo naman siya at mabait pa kaya nga nasa kindergarten pa lang ako ay crush na crush ko na siya.

"Oops... Sorry!" Nahihiyang sabi ko.

"Next time be careful."

Napatungo na lang ako dahil sa sobrang kahihiyan.

"Nakita mo na Mr. Yabang nakakaasidente ka pa tuloy." Pagsesermon naman ni Kathleen kay Kevin.

"Sorry na Miss Poor Girl hindi ko naman sinasadya e." Tapos naglambingan na naman yung dalawa.

Hmmp! Nakakaingit sila bakit ba kahit nag-aaway na sila ang sweet-sweet pa rin tignan?

(A/n: Hehehe... Napakaaga ko bang mag-plug? Gusto ko lang namang sabihin na pakibasa din ng libro kong The Love Story Of Miss Poor Girl And Mr. Yabang upang maunawan ninyo ang story nila Kathleen Casapao at Kevin Ramos.)

Pumunta na nga ako sa unahan upang bumunot.

I slowly open it...

"AHHHHHH!!!..."

"Bakit Yna may problema ba?"

"W--wala naman po." Tapos naglakad na ako pabalik sa upuan ko pero sinulyapan ko muna si Jared na ngayon ay parang super busy doon sa sinusulat niya.

"Hoy Yna ano na namang espirito ang sumapi sa'yo at bigla ka na lang sumisigaw?" Nakataas ang kilay na tanong sa akin ng bestriend kong si Sofie.

Tama kayo mga readers bestfriend ko lang naman ang napakapkielamerang editor in chief ng campus namin na si Sofie Terry Red.

"Nabunot ko siya!"

"Huh? Sino?"

"Sino pa ba e di ang long time crush ko."

"YOU MEAN SI JA---"

Agad ko namang tinakpan ang bibig nitong bestfriend ko. Mukha kasing may balak pa siyang ibunyag ang nabunot ko e.

My Exchange Gift (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon