CHAPTER 36-CLOSE

9 3 0
                                    

HENRY POV

Nandito pa din kami sa mall sa Starbucks habang naghihintay sa mga girlfriend nila

"Ang tagal naman ng mga yon baka may umaaligid nanaman sa mga yon"Vinly

"Tigilan mo nga tol na paparanoid ka nanaman"Raffael

"Oh ayan na sila"Ako

"Pwede natin silang tanungin kong may nabanggit si Venice kung anong nangyari sa kanya nitong 2taon"Harley

Inantay ko muna silang makaupo bago ako magtanong

"Ah! Sandy anong napag usapan niyo nila Venice"Tanong ko

"Ah yon ba adopted lang daw si Vhonn yung babyng dala niya"Sandy

Para akong nabunutan ng tining sa narinig ko

"Oh! diba tama ako atsaka diba hindi niya asawa si Adrian"Harley

"Oo"Biel

"Pero boyfriend niya si Adrian"Laly

Bigla naman akong nanghina sa narinig ko

"Ayos lang yan pare,boyfriend pa lang naman eh kung asawa nga nasusulot boyfriend pa kaya"Harley

"Ano ba yang pinaplano niyo?"Sandy

"Pinaplano ni Henry na makuha uli si Venice"Vinly

"Ok lang saakin basta hindi uli masasaktan si Ven"Sandy

"Hayyy nako buhangin wag kangang KJ"Vinly

"Teka ano ang 1st step mo sa panliligaw?"Raffael

"Teka alam niyo ba kung saan siya nakatira ngayon?"Harley

"Oo may binigay siyang addres eto oh"Laly

"Sa Los Baños Laguna sa may Piccard"Biel

"Ang layo naman nan sa Manila"Sandy

"Maghanda kayo at ipack ang mga gamit niyo pati ang mga papers niyo sa school transfer tayo"ako

Nganga naman silang lahat

"Kung may ayaw sumama ok lang maiwan dito pero ako ay aalis"Ako

"Hoy sama kaming lahat noh!"sigaw nila

Wala na kaming sinayang na oras agad nag impake ang barkada

Tumawag na sa kanya kanya nilang magulang para ma inform ang mga ito

"May isa pang branch ng Royalty Academy sa may Calamba kaya doon nalang tayo mag transfer"sabi ko

Tumango naman silang lahat at ibinaba na ang kanilang mga cellphone

"Naayos na lahat ng papers natin pinaayos ko na sa Secretary ni Mommy"Sandy

"Hay salamat Sandy buti nalang nandyan ka dati kasi si Venice ang nag aayos non lahat"Laly

Tumango lang si Sandy pagtapos nilang mag usap usap lumakad na kami para bumyahe

Nung nasa buss na kami kanya kanya silang pwesto magkakatabi ang mga mag shota

Naririnig ko pa ang pinag uusapan nila

"Oy guys tignan niyo yung balita 'Anak ng isang mayamang negosyante na Rebbeca Majica Martinez ay natagpuang isang lumang gusali walang malay at ginahasa daw ng 8 kalalakihan'
Yan yung sabi sa balita grabe kawawa naman"Laly

"Anong nangyari bakit siya nagkaganyan atsaka kahit naman masama ang ugali niyan diko naman hiniling na mag kaganyan siya"Biel

"Bayaan niyo na baka karma niya yan sabi nga nila Kapag masama ang ugali,napupunta sa mainit na kawali,para sa kanya ang mainit niyang kawali ay ang nangyari sa kanya"Sandy

Tumahimik naman kami at yung iba nakatulog pa

Ginising ko sila nung sabi ng Kundoktor malapit na kami sa may Piccard kaya ginising ko na sila

"Wow ibang iba sa maynila marami pang puno dito"Vinly

"Atsaka mukhang mas mababait ang mga tao dito"Raffael

"Mukhang mag eenjoy tayo dito"Harley

"Sabi din dito sa internet sa Los Baños Laguna daw ay maraming mga Hot spring atsaka mga Resort"Biel

"Baka lang nakakalimutan niyo nandito tayo para kay Ven"Sandy

"Tama, atsaka marami pa namang time para diyan, Henry ano nang susunod nating gagawin?"Laly

"Hahanapin muna natin ang bahay nila Venice dito tapos hahanap tayo ng apartment malapit doon"sabi ko

Tumango naman silang lahat saakin

Nag simula naman nakaming mag tanong kung may nakakilala ba dito kay Venice Mercado

Ipinapakita di namin ang picture niya

"Henry ihahatid daw tayo ni Kuya sa bahay ni Snow White este ni Venice"Vinly sabay turo don sa anongang tawag sa sasakyan na yan

"Teka sasakay tayo diyan?"Laly

"Oo mukha ngang exciting diba kaya tara na?"Vinly

"Mukhang tuwang tuwa ka ah alam mo ba kung ano yang sasakyan mo ha?"Sandy

"Ah oo nga kuya ano bang tawag dito?"Vinly

"Tricycle ito ijo"Mamang driver

"Oh siya wag na kayong mag inarte sumakay natayo"Harley

Nagpasukan naman silang lahat sa loob at sobrang sikip

"Mga ijo at mga ija wag kayong magsiksikan diya pwede pa kayong sumakay dito sa likod"natatawa yata sa amin si Manong driver

Kami namang mga lalaki bumaba para sumakay sa likod

"Manong safe ba to?"natatakot na ata si Vinly

"Oo naman ijo basta kumapit ka nalang diyan sa itaas"mamang driver

"Manong naman bat ngayon niyo lang sinabi may hawakan naman pala"Raffael

Hahahahaha ang mgaitsura ng mga to si Raffael nakahawak pa sa damit ko

Si manong naman tawa ng tawa

Pero sa ginagawa naming ito lalo kaming nagiging close ng barkada wala man si Venice sa ngayon pero alam kong maibabalik ko din siya dito

Naniniwala ako na babalik din siya at magiging masaya din kami

Sana.....sana nga

THE GIRL HAS A LOT OF PERSONALITIESWhere stories live. Discover now