Chapter 2:
Sa bayan ng Cazarian, matatagpuan ang Xenzor Academy. Isang kastilyong eskwelahan na makikita sa gitna ng mga bundok. Ito ang pinakasikat na eskwelahan sa buong bayan ng Cazarian. Malawak at Napakaganda ang eskwelahang ito bukod sa napakasikat at libre na rin pati ang tirahan dito.
Pagpasok mo palang ay bubungad na sa harapan mo ang mala-higanteng pintuan sa labas ng school. Mayroon ding dalawang mala-higanteng kastilyo sa may magkabilang gilid ng pinto. Mga sariwang halaman naman at bulaklak ang nakapalibot sa mga ito. Mala-fairy tale sa ganda ang eskwelahang ito kaya naman marami ang nangangarap makapag-aral dito.
Ang mga estudyanteng may Special Abilities lang ang pwedeng mag-aral dito kaya kung mayroon ka man nito, swerte mo. Bukod sa tinitingala ang eskwelahang ito ay hindi rin basta bastang nakakapasok ang ordinaryong tao lang dito. Kailangan pang humingi ng permiso sa pinuno para lamang makapasok ka sa loob nito.
Napaliligiran din ng CCTV ang buong campus dahil mailap ito lalo na sa kalaban. Sina Amaree Wenzler at Sean Laze ang namumuno sa Xenzor Academy. Taglay nila ang delikadong ability kaya sila ang inatasan para mamuno sa eskwelahang ito nang sa gayon ay maproteksyonan rin ang buong Campus laban sa Kaaway.
Si Amaree Wenzler ang naka-assign sa bawat estudyanteng balak mag-aral dito. Hawak niya ang pasya kung pasado ba sila o hindi. Maganda siya at mabait ngunit wala pa ring asawa. At nga pala, kahit may Special Ability ka hindi ka pa rin basta bastang makakapag-aral dito lalo na kung walang approval ni Ms. Amaree. Sapagkat matalik niyang kaibigan ang Nanay ko kaya ako nakapasok dito. Kilala rin niya si Manang Ester kaya't ipinagkatiwala na ako ni Manang sa kaniya dahil nga sa insidenteng nangyari.
Maging si Ms. Amaree ay hindi makapaniwala na wala na ang Inay ngunit kailangan naming tanggapin ang katotohanan na wala na talaga sila. Siya ang nagsabi sa akin na ang misyon ni Inay ay ang tapusin ang kahit na sinong ginagamit ang kapangyarihan sa kasamaan. Talagang napakabuti ng Inay ko at kung hindi siya namatay ay mas maipapaintindi niya sa akin ang kapangyarihan na taglay ko at kung paano ito gamitin ng tama.
Si Sean Laze naman ang may hawak sa mga estudyanteng lumalabag ng rules. Nasa kaniya ang pasya kung gaano kabigat ang ipapataw na parusa depende sa nilabag na rules. Mabait rin si Mr. Sean subalit mayroon siyang isang salita. Kapag sinabi niya, Sinabi niya.
Maya- maya lamang ay mag-uumpisa na ang pagsasanay ng ability namin dahil kalaunan ay may magaganap nanamang digmaan sa pagitan namin ng kalaban. Nandito ako ngayon sa may Open field. Pinapanood ang ilang estudyanteng nag-papasikatan ng kani-kanilang Special Abilities at saka nilalanghap ang sariwang hangin.
"Ang ganda ng view, right?" Naagaw na lang ang atensyon ko nang may magsalita mula sa likuran ko. Boses ng isang lalake.
Nilingon ko kung sino iyon at napangisi na lang ako dahil si Waren lang pala. Ang isa sa mga pilyo kong kaklase. Ay hindi lang pala siya isa sa kanila, siya ang PINAKA. Palabiro ito ngunit madalas ay corny ang mga jokes niya kaya ang ending ay siya rin mismo ng natatawa sa kanyang mga biro. Marami ang nagsasabi na gwapo siya, pero para sa akin isa lamang siyang ordinaryong tao rin na nagtataglay ng special abilities.
"Oo nga, eh." Pinikit ko ang aking mga mata ko at saka nilanghap ang sariwang hangin.
"You know, I was just thinking about--" Sabi niya, as if naman may iniisip talaga siya.
"Ano? Hay naku, Waren. Kung kalokohan lang iyan mas mabuti pang 'wag mo ng ituloy. " Putol ko sa sinabi niya dahil alam kong papaandaran nanaman ako ng mga corny nitong biro. Wala ako sa mood para sakyan ang mga kalokohan niya.
BINABASA MO ANG
Breaking Rule No.5 (ALL RIGHTS RESERVED)
FantasyAfter the incident happened to her there seemed to be hatred in her heart that caused her to forget about the true meaning of love. The only thing running through her mind was revenge for the death of her beloved parents. Until she discovered her po...