Author's Note: So I dedicate this chapter to @Znerlaed. Sorry sa late update hehe.
Enjoy Reading Guyseu!! ^_^
Chapter 5:
TROY ASTON's POV
"Sabihin mo nga sa akin. Sino ka ba talaga?"
Hindi ko alam kung anong meron o tinatago itong babaeng ito pero mula nang lumipat siya sa eskuwelahang ito eh naagaw niya ang atensyon ko. Nacu-curious ako sa pagkatao niya. Isa siyang misteryosang babae. Ewan ko pero bigla nalang akong nagkaroon ng eagerness para kilalanin ang pagkatao niya.
"A-anong i-ibig mong sabihin?" Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. Umiiwas lang siya ng tingin at halos hindi mapakali.
Damn! She acts so obvious. I hate when someone didn't get what I said. Tss..
I just smile sarcastically, "Hindi ka tanga para hindi maintindihan ang sinabi ko, Red. Minsan sa buhay, kailangan mong magtago para protektahan ang sarili mo. Alam kong may tinatago ka. At iyon ang aalamin ko."
And I'm not stupid para hindi mahalata iyon. Siya ang kauna-unahang babaeng dahilan kung bakit ako ka-eager na ganito. Sa totoo lang, wala akong pake sa mga estudyante rito dahil hindi ko kailangan ng kausap, kasama, at kaibigan para maging masaya. Kaya kong pasayahin ang sarili ko sa paraang alam ko. Ayaw kong i-asa ang nararamdaman ko sa iba, I hate feeling that way.
"Kung ano man ang iniisip mo eh itigil mo na lang. Lahat ng tao eh may tinatago. At kung ano man ang tinatago ko, wala ka na doon." And then she walks out into the door.
Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. And now, I am left here alone with a shocked expression on my face.
Damn!
Siya lang din ang kauna-unahang babaeng binara ako. Wala pang kahit na sinong gumagawa sa akin non, maliban sa kaniya. Mas lalo tuloy akong nagiging eager malaman ang tinatago niya.
She is Different. I know she is.
Ako yung tipo ng taong hindi mahilig sa tao. Gets mo? Kung hindi, bahala kang maghanap ng translator mo. Ayaw ko ng inuulit ang sinasabi ko. Basta hindi ako kagaya ng iba na laging may kasama. I just wanna be alone. 'Cause being alone is my comfort zone.
I don't know why pero mula nang dumating siya eh natuto akong magkaroon ng pake. Hindi lang sa kaniya.. kundi pati na rin sa nararamdaman ko.
I felt something strange.
At iyon ang aalamin ko pa.
-----------
RED ASHERY's POV
Umalis na ako dahil hindi ko na gustong marinig pa ang mga susunod na sasabihin niya. Matalino siyang tao. At umpisa pa lang, nahalata ko ng pinaghihinalaan niya ako.
"Minsan sa buhay, kailangan mong magtago para protektahan ang sarili mo. Alam kong may tinatago ka. At iyon ang aalamin ko."
Ang sinabi niya na tanging tumatak sa isipan ko. Gusto kong maniwala sa sinasabi niya. Na kailangan mong magtago para protektahan ang sarili mo. Ako, nagawa kong protektahan ang sarili ko nang nagpapakatotoo. At nang dahil sa pagpapakatotoo kong iyon, eh nadamay pati ang mismong taong pinoprotekahan ko. Pero kailan pa ako magtatago para maprotektahan ang sarili ko? Ngayong wala na siya? Para sa akin, minsan kailangan mong magtago para malaman kung sino nga ba talaga ang totoo, at nagpapanggap lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/43985290-288-k179935.jpg)
BINABASA MO ANG
Breaking Rule No.5 (ALL RIGHTS RESERVED)
FantasyAfter the incident happened to her there seemed to be hatred in her heart that caused her to forget about the true meaning of love. The only thing running through her mind was revenge for the death of her beloved parents. Until she discovered her po...