- Çhapter One
Sa edad na labing anim, natamo na agad ni Alexandra ang kasikatan sa kanyang talento-ang pagsusulat. Kabi-kabilang storya niya mula sa site na nagnga-ngalang wattpad ang nailimbag bilang isang tunay na libro ng iba't ibang publishing companies kaya naman lubos ang tuwa ni Alexandra. Marami-rami na rin ang mga umi-idolo sa istilo ng pagsulat ng dalaga. Nandiyan ang mga bigla-biglang hihingi ng kanyang autograph at magpapa-picture kasama siya. Kabi-kabila na rin ang kanyang mga book signing activities. Tunay ngang natamo na niya ang tuktok ng tagumpay.
Habang ang kanyang ama ay binabagtas ang gabi gamit ang kanilang asul na kotse, si Alexandra ay nakatutok sa screen ng kanyang laptop habang nag iisip ng bagong konsepto ng storya. Ang kanyang ina naman ay natutulog sa passenger's seat sa harapan, at ang kanyang kapatid ay naglalaro ng isang sikat na laro sa kanyang tablet.
"Ano ba ang magandang gawin?" tanong ni Alexandra sa kanyang isip. Tinignan niya ang kanyang kapatid na naglalaro, partikular sa laro. Isa itong labanan, dalawang tao na nag bubugbugan. Sandaling pumikit ang dalaga upang bumuo ng konsepto sa kanyang isip.
Sa gitna ng katahimikan ay nangiti ang dalaga, nakabuo na siya ng magandang konsepto.
Hinayaan niyang gumana ang kanyang isip at mga daliri sa pag pindot sa kanyang laptop. Sandali siyang nilingon ng kanyang kapatid na si Clyde at tinanong ngunit tila ba nasa ibang mundo si Alexandra. Panandaliang huminto ang dalaga upang tignan ang kanyang nagawa.
Being a character in a game is like being a puppet of a player. You get used for consecutive times and doesn't even have a break. But what if a character get's tired of all the damn he receives?
Noong una ay nangiti siya ngunit agad niyang binura ang kanyang sinulat ng mapagtanto niyang hindi niya dama ang plot ng storya. Bukod pa rito, naisip niyang gasgas na ang ganitong mga plot kaya naman muli ay desperadong nag isip ng konsepto ang dalaga. Pinikit niya ang kanyang mga mata at hinayaang umandar ang malawak niyang imahinasyon.
"Ate, natutulog ka ba?" tanong ni Clyde. Binukas ni Alexandra ang kanyang mata at sandaling binaling ang atensyon sa musmos na kapatid.
"Nag-iisip lang ako." ani Alexandra "Tsaka walang pakielamanan pwede? Mag tablet ka lang diyan."
Dinadala na ng stress si Alexandra dahil sa pagkapagod niyang mag isip ng konsepto ng storya. Hindi na rin niya naisipang gumawa ng romantikong storya dahil masyado na itong tumatabo sa takilya, at ilang storya na rin niya ang isa sa mga dumakot ng papuri. Nais niyang gumawa ng kakaibang storya, isang storyang siya ang nagpasimula, at walang ibang makakagaya dahil sa uniqueness nito.
Ibinaling niya ang kanyang tingin sa bintana. Ang nag tataasang gusali ng isang siyudad, ang mga nag mistulang bituin sa gabi ng lupa, at ang mga tao rito. Iba ang atmosperang pumapaligid sa buong siyudad. Nakaramdam ng pag gapang ng lamig sa braso si Alexandria, sandali siyang nabato sa kanyang naramdaman. Naisip niyang hindi naman malakas ang aircon ng kotse, at sarado naman ang kanilang bintana. Nilingon niya ang kanyang brasong inaakap ng lamig at nakita niya ang kanyang kapatid na may hawak na ice bag at hinihipan ang hangin nito patungo sakanya.
Agad natanggal ang bigat sa dibdib ni Alexandra ng makita niya ito. Mahina niyang hinampas ang noo ng kapatid bilang pag suway sa kanyang ginawa na nagpahagulgul naman sa kapatid sa katatawa. Marahil nga ay natakot siya sa kanyang naramdaman.
Kung papaanong malaki ang ngiti sa mga labi ng kanyang kapatid ay ganoon naman kalungkot ang kanyang mga mata noong lumisan sila kinaumagahan sa probinsiya upang lumipat dito sa syudad. Halos kaladkarin pa siya ng kanilang ama sa kotse upang makaalis na sila bago pa sila habulin ng gabi. Ngunit naging mapilit si Clyde at nagtago sa loob ng kanilang cabinet. Ilang oras siyang hinanap ng kanyang ate na si Alexandra hanggang sa matagpuan niya itong tulala at tila may tinitignan sa malayo mula sa cabinet.
