II

94 6 6
                                    

FLASHBACK

(10 years old)

"Mommy! Mommy!" excited na sigaw ko pag kapasok ng bahay namin

"Mommy! Tignan mo po." hinanap ko siya

Sa sala,

Sa kusina,

Sa C.R,

Perong walang Mommy na nalabas.

I wonder why kapag dumarating ako sinasalubong agad ako ni Mommy.

"Oh Chaerin andito ka na pala" bati sa akin ni Tita Sara ang asawa ng kapatid ni Mama na si Tito Paul.

Dito muna kami pansamantalang nakatira dahil ang sabi ni Mommy pupunta si Dadddy sa ibang bansa para magtrabaho.

"Goodevening tita, Kakauwi mo lang din po?" niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"5 minutes before you Chae ang daming pesyente ngayon kaya kailangan mag overtime. Kamusta ang contest na sinalihan mo ?" ibinaba niya ang mga dala niya sa sofa at dumeretso sa kusina

"Eto po." ipinakita ko sakanya ang trophy ko.

"Ang bangis talaga ng baby namin sa kantahan!" tuwang tuwa si tita at niyakap ako.

"Mana lang po sainyo."

"Bata ka palang lakas mo na mang bola."

Hindi nyo naitatanong nasa lahi nila Mommy ang husay sa pagkanta, ganun din naman si Tita Sara.

"Ang duga n'yo ni Mommy bakit hindi kayo pumunta?"

"Sorry na Chae babawi ang Tita next time hindi rin siya nag text sakin kanina teka tatawagan ko si Ate." ani Tita Sara pag kalabas nito sa kusina na may hawak na baso.

Ibinaba ko ang bag ko "Ang Tito po? "

"Mamaya andito na rin 'yun na-traffic siguro." Ngumiti siya

"Sige Ta magbibigis lang po ako." at umakyat na ko sa kwarto ko para mag bihis.

Napansin ko na may siwang sa kwarto ni Mommy,

Ang dilim.

Kaya binuksan ko ang ilaw.

Pumasok ako nag ba-bakasakali nandito siya.

Na baka maaga lang natulog,

Nakita ko si mama naka upo sa gilid ng kama.

Nakatalikod siya sa akin.

"Mommy andito ka lang pala eh." Tuwang tuwa ako maipag mamayabang ko na itong trophy ko.

Nag lakad ako palapit kay mommy, "Mommy alam mo po ba------"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko , "MOOOOOOMMMYY!"sigaw ko.

Parang gripo na umagos ang mga luha ko napatakip ako sa bibig ko.

This can't be!

Nanghihina ako kaya napaluhod ako.

Hindi ko alam kung paano siya hahawakan,"Anak?" mahinang sabi niya

"Ma..ma..ma. Andito po ako." Hinawakan ko ang mga kamay niya at ipinaluob iyon sa dalawang palad ko.

"Anak mahal na mahal ka ni Mommy ha? Wag na wag mong kakalimutan yan."

Sweet DespairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon