Tonight? I just want to get drank and forget everything.
At first ayaw pumayag ni Kass pero wala rin s'yang nagawa kaya end up sinabayan n'ya nalang akong uminom, onti pa lang ang naiinom n'ya pero ayan tumba na, hindi ko alam kung tulog lang o may tama na,
Tumingin ako sa taas,
"Siguro ang saya mo na dyan Mommy? Ako eto oh!" itinaas ang hawak na bote ng tequila at nakasipit na yosi sa daliri,"Iniwan mong miserable, walang kwenta, patapon ang buhay,"
Tinunga ko ang tequila,"Hindi ko alam kung dapat bang magalit sa'yo dahil iniwan mo ko agad o maging masaya dahil malaya kana sa sakit."
Tumayo ako at sinuklay ang buhok gamit ang mga kamay, "Kasi nakaka punyetang lang! Hanggang kelan ba ganito? Ang hirap kase alam mo ba 'yon Mommy? Hindi ko alam kung saan at paano magsisimula ulit. Nakikita mo naman siguro ang pinag dadaanan ko diba?"
Iniwan ko si Kass sa Veranda at lumabas ng bahay,
Naglalakad lakad at nag pahangin,
Pinapakalma ang sarili,
Nahihilo ako pero hindi ako nalasing ladies drink lang naman 'yon,
Nagsindi ulit ako ng panibagong stick ng sigarilyo,
Patawid na ako pabalik sa bahay nila Kass ng biglang may nakakasilaw na sumalubong sa akin, huli na ng ma maaninag kong motor pala ito gusto kong tumakbo para makaiwas pero ayaw gumalaw ng katawan ko, pumikit nalang ako at hinayaan ang mangyayari,
oras ko na rin siguro,
"CHAERIN!" Isang sigaw ng pamilyar na boses
Isang malakas na lagabog na lang ang huli kong narinig at nawalan na 'ko ng malay,
-
I opened my eyes,
White ceiling,
"Chaerin! Thank God you're awake!"
Tumingin ako sa taong nagsalita pero bakit ganun ang labo hindi ko gaanong maaninag?
Sinubukan ko ulit ipikit sandali at imulat at ayun nga tama ako kung kanino galing ang boses na 'yon,
Hindi ko napigilang lumuha ng makita ulit sila, "Dada, Tita Sara..."
"Shhh... Andito na kami Chae sorry if it took us 5 years," pagaalo sa akin ni Tita Sara
Nagka palagayang loob din kaming tatlo sa huli, kinwento nila ang naging buhay nila sa ibang bansa,
Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo pero hindi ko dinamdam,
"An--" hindi natuloy ni Dada ang sasabihin n'ya dahil sa biglang pag bukas ng pintuan na halos ikagulat namin sa lakas,
May pumasok na isang babae,
Nakayuko lang at nakasandal ang kaliwang bahagi ng katawan sa pintuan,
Umaangkat angat ang balikat n'ya,
"Kassandra.."
Nakayuko s'ya pero kitang kita ang mapanlokong ngiti n'ya,
"Kass anong problema?" tanong ko at unti unting bumangon at umupo sa hospital bed
Unti unti s'yang naglakad at huminto ng makarating sa tabi ko,
*Slaaaaap*
"Bak--"
*Slaaaap*
"Para sa--"
At bago na naman ako maka tapos ay sinampal n'ya ulit ako sa pangatlong pagkakataon,