Kinakailangan kong magising ng umaga para sa pagpasok.
Nakahiga ako ngayon sa aking kwarto at naghihintay ng oras para gisingin ako ni Mommy. Tinatamad ako ngayon kasi ang aga aga pa. Bakit ba kasi umaga ang pinili kong shift. Pwede naman ako sa panghapon.Makabangon na nga. Ang tagal ni Mommy. Gusto ko pang humilata pero paniguradong pupurgahin na naman ako ng bunganga ni Mommy mamaya. Ang ingay pa naman niya kapag ginigising ako. Kaya pati kapaitbahay naiingayan na rin sa boses niya eh. Buti na lang ka close niya ang mga iyon. Kung hindi paniguradong papalayasin na nila kami.
Habang nasa Cr ako at naliligo. Narinig ko si Mama na tinatawag na ako sa labas. "Buti naman gising ka na, anak! Kanina pa kita hinihintay sa baba akala ko tulog ka pa. Dalian mong maligo dyan. Hihintayin kita sa baba para sabay na tayong kumain."
Umalis si Mama nang masabi niya ang mga iyon. Hindi muna ako sumagot kasi alam naman niyang nakikinig ako sa kanya. Paano pa at naging Anak niya ako kung hindi ako makikinig kay Mommy. Siya lang kaya ang SuperMom ko. Walang magbabago doon.Tapos na akong maligo at kinakailangan ko ng lang ng daily routines ko sa umaga para sa pagpasok. Kanina pa ako tinatawag ni Mommy dahil ang tagal ko daw. Mahuhuli na daw ako sa klase. Kainis nga eh first day of school pa nga lang panigurado walang professor ngayon.
Oo nga pala sa Public ako nag aaral ngayon. Isang iskolar sa isang kilalang unibersidad dito sa Pilipinas. Kumuha ako ng Kursong Accountancy nararapat para sa kakayahan ko. Mahirap pero kinakailangan kong ma maintain ang grades ko dahil nakakatulong din ang nakukuha kong pera para bawas sa gastusin namin dito sa bahay.
"Kumain ka na diyan. Umalis na ang dalawa mong kapatid para pumasok sa eskwela." Habang nag re ready si Mommy kumuha ng gamit niya dahil papasok din siya sa Opisina.
"Opo, Mommy" sabi ko habang kumakain.
Nakita ko ang Bill namin sa kuryente nakasabit sa Pintuan ng refrigerator. Ilang araw na bang hindi nakakabayad si Mommy
YOU ARE READING
The Story (Cant escape this Endless Sadness)
FanfictionAnong nararamdaman mo kapag nakikita mo ang sarili mong nag iisa. Walang kasama, walang kaibigan, walang pamilya. Nangyari na ba ito sayo? Yung tipong hindi mo alam kung bakit nandito ka pa sa mundo. May salita pa bang " Do I Exist?". Hangang sa is...