Unang araw ng pasukan. Ihahatid ako ni Yaya sa eskwelahan. Hindi ako mapakali habang nasa upuan kaya tumungin ako sa labas ng sasakyan. Kasama sa pandinig ang kantang pinaka paborito ko.
"Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka"Sa kapapanood ko ng teleserye napapraning na ata ako. Habang tinitignan ang mga naglalakad sa kalsada hindi ko maisip na maswerte pa rin pala ako. Nakikita ko ang ibang bata na namamalimos.
Naalala ko tuloy yung batang humingi sakin ng tinapay noong isang araw. Hangang sa may kumatok.
"Bili ka na masarap to!" Nakangiti sakin ang batang lalaki at nagtatanong kung bibili nga ba ako.
"LORIE! HUWAG KANG AALIS DITO HUH. BIBILI LANG AKO NG TUBIG" sabi ni nanay habang nakatayo ako rito sa harap ng eskwelahan.
"Opo, Nay!" Hangang sa umalis na ito para kumuha ng tubig. Ngunit nakatingin pa rin ako sa batang lalaki habang nakatingin sakin. Hangang sa may lumapit dito at tinanong kung magkano ang paninda nitong Ice candy. Lumipas ang mga sandali lumapit ito sa akin at binigyan niya ako ng ice candy na kaniyang paninda.
"Gusto mo bibigyan na lng kita." Sabi nito habang ang mga kamay ay nasa ere. Ayokong tanggapin dahil hindi ko siya kilala. "Kung ayaw mo eh di huwag" tatanggapin ko na sana sa mga sandaling iyon ngunit umalis na ito sa harapan ko. Gusto ko siyang habulin pero dumating na si nanay.
"Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana?y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa manIkaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na"Kinuha ko ang paninda niya at ibinigay ang baon kong sampung piso at tinanggap ang Ice candy na kaniyang iniaabot. Hangang sa nakaalis na ang aming sasakyan sa harapan niya.
Habang nasa sasakyan hindi ko maiwasang sundan ang batang lalaki ng aking mga paningin. Lumiliit ang mga paningin ko sa kanya dahil lulan ako ng sasakyan at lumalayo ito.
Dumating ako sa eskwelahan ng may ngiti sa labi dahil excited akong makita ang aking mga kaibigan.
"Lorie, ang tagal mo namn kanina ka pa namin hinihintay ni Trisha eh. Bakit ba ang tagal mo? Ano pala baon mo. Akin Tuna with sandwich tapos binigyan ako ni mommy ng pepty pesos. Kayo?" Tanong ni Ellise sa amin ni hannah habang nasa upuan dahil wala pa si teacher.
"Mamaya ko na lng sasabihin andyan na si Ma'am!" Sabi ko dahil papalapit na ang teacher namin sa aming classroo.
"Okay class! Kilala niyo na ab ang mga kaklase niyo. Ngayong araw kailangang ipakilala niyo ang sarili niyo sa harapan. Pero bago muna iyon narito na ba ang lahat ? " tanong ng aming teacher sa amin. Hangang sa may kumatok na bata sa pintuan.
"Maam, sorry po late ako. Hinintay ko pa po kasi ang baon ko" nagulat ako dahil ito yung batang nagbigay ay hindi magbibigay sana ng ice candy sakin kaso umalis agad siya.
"Sige pumasok ka na dito. Sa susunod ayoko ng maulit ito ah!" Sabi ni teacher sa bata. Umupo ito sa dulo ng aming mga upuan. Nang bigla itong tumingin saakin at sumimangot. Ngumiti ako sa kanya tapos ganun ang gagawin sakin. Ano ba ginawa ko sa kanya. Wala naman ah.
"Sino mauuna sa inyo class. Magpakilala na kayo para malaman natin ang mga pangalan ninyo" tumingin sa amin ang aming teacher kaya nagtaas ako ng kamay.
"Maam ako na po ang mauuna! Ano po ang sasabihin ko." Tanong ko sa aking teacher habang nasa harapan ng aming klase. Sinabi saakin ng teacher at sa buong class kung ano ang gagawin.
"Ako si Lorie Anne Fuentes anak ni Carlo at Lorraine Jane Fuentes nakatira sa 149 Villa Intrada Manila. Akoy labing isang taong gulang at pwede niyo akong tawaging Rie for short. " ok class tawag ng aming guro sa amin. Sino ang susunod kay Lorie para magpakilala.
Nagtaas ng kamay ang isa sa kanila. Nakita ko si Boy candy. Nagtaas ito ng kamay para magpakilala. Pumunta ito sa harapanan . Habang akoy nasa gilid ng aming teacher.
"Ok lorie pwede ka ng umupo" sabi ni teacher kaya bumalik ako sa aking upuan habang ito ay nakatingin sakin.
Nakita ko siyang nakangiti kaya tinawag ko siya ng "Boy Candy!" Sabi ko rito habang dumadaan sa kaniyang harapan para inisin.
Nakita ko itong kumunot ng noo kaya ngumiti ako sa kanya. "Akala mo huh!" Isip isip ko habang papunta sa aking upuan.
"Ako si Miguel Guerrero nakatira sa Ermita, Manila. Kasama ko ang aking Lola at Lola pati ang aking kapatid na si Juan Kenjie Guerrero. Akoy labing dalawang gulang. Gusto ko kayong maging kaibigan kaya sana maging kaibigan ko kayong lahat." Pakilala nito sa harapan ng aming mga kaklase. Hinihintay kong baka may sabihim si Ellise saakin pero wala akong narinig sa kanya. Nakita ko si Miguel Boy Candy na nakangiti sa harapan kaya tinignan ko rin si Ellise na nakatingin sa kanya.
Hindi ko maiwasang tignan si Boy Candy na nakatingin sa akin. Kayat tinignan ko na lamang din siya ng masama.
YOU ARE READING
The Story (Cant escape this Endless Sadness)
Hayran KurguAnong nararamdaman mo kapag nakikita mo ang sarili mong nag iisa. Walang kasama, walang kaibigan, walang pamilya. Nangyari na ba ito sayo? Yung tipong hindi mo alam kung bakit nandito ka pa sa mundo. May salita pa bang " Do I Exist?". Hangang sa is...