TWENTY NINE

34.4K 685 16
                                    

#KMMB

How can I focus on what I do if Dylan Lilcon kept staring at me just like I'm the only one he can see in this place?

Kung bibigyan ako ng pagkakataong balik balikan ang panahon , babalik ako sa mismong panahong ito .

Panahon kung saan ako lang ang nakikita niya , ako lang ang nginingitian niya .

Ako lang ang minamahal niya.

Babalik-balikan ko ito.

Abala ako sa pagtulong kay Mommy na magluto habang si Dylan abala kakatitig sa akin .

Sa tuwing titignan ko siya , nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin . Pero imbis na umiwas , ngumingisi pa siya at mas lalo pa akong tinititigan .

Ako naman , napapangiti nalang. Napapakagat labi . Iiwas ng tingin. Tapos titignan siya ulit . Mapapangiti. Iiwas ulit. Tapos titingin . Hanggang sa tumagal na ang titigan namin .

"Hijo , huwag mo munang pakatitigan ang anak ko . Hindi makaluto e' " natatawang sabi ni Mommy . Bigla akong nakaramdam ng hiya . Nahuli kami .

"Sorry Tita , I just can't take my eyes off to your beautiful daughter." nakangising sabi ni Dylan na hindi pa rin inaalis ang titig sa akin . Kailan pa naging matamis ang pananalita nito?

"Huwag mo maysadong bolahin ang anak ko , lumalaki ang tainga oh" humagalpak ng tawa si Mommy . Nabilaukan naman ako sa sarili kong laway . Damn. Nage-enjoy pa si Mommy !

"Mom !" pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang siya lalo . Kahit si Dylan ay narinig ko na ring tumawa . Damn.

"You're blushing" nanigas ang buong katawan ko dahil sa sinabi ni Dylan. Fuck ! Nakakahiya! Damn.

"I'm not" pagtanggi ko . Pinagpatuloy ko nalang ang paggayat ng patatas para sa adobong lulutuin ni Mommy.

"Of course you do" panunuya pa ni Mommy. Oh Gods. Bakit parang magkasundo na agad ang Nanay ko at si Dylan?

Actually , kahit si Daddy , kung kausapin niya , parang matagal na silang magkakilala .

Noong una , akala ko nanaginip ako . Hindi ko na rin kasi maintindihan ang nararamdaman ko . Naguhuluhan ako .

Nang yakapin ko si Dylan , inakala kong mawawala na siya at magigising ako . Pero lumipas ang segundo. Minuto. Hangang sa tumagal pa ito .

Yakap ko pa din siya. Hinahaplos niya pa rin ang buhok ko . Patuloy pa rin akong umiiyak .

Kaya ng makumpirma kong hindi ako nanaginip , bigla akong napangiti ng malapad. Nag-umapaw agad ang kasiyahan ko .

Napakasaya ko . Kasama ko siya ngayon. Nakikita , nakakausap , nahahawakan.

"Ang totoo , hindi talaga kami pupunta ng US . Sa Cebu lang naman ang punta namin . Sinadya lang namin na sabihin sa inyo na sa US kami pupunta. Si Ian kasi planong sorpresahin si Hailey kaya nadamay na rin ako . Nag-plano din ako na sorpresahin ka dito . Kasama sa plano na hindi kita itext o tawagan . Kaya nga eto , pumunta kami dito . Akala ko maso-sorpresa kita . 'Yun pala mapapaiyak ka lang. I'm sorry Ilume. Sorry Baby"

Paliwanag niya sa akin 'yon kanina . Hindi ko alam ang sasabihin ko . Nang mga oras na 'yon , wala ako sa wisyo . Wala akong maintindihan. Lahat malabo. Si Dylan lang ang malinaw.

At sino nagsabing hindi ako nasorpresa? Grabe kaya pagkabigla ko , akala ko panaginip lang pero totoo pala.

Nagpunta dito si Dylan pero hindi siya nag-iisa . Kasama niya si Ian , Hailey at Kervin.

Keep my mouth busy ✔Where stories live. Discover now