Vow 1

11.2K 178 2
                                    


MAXINE

"Good morning.." Sabi ng babae na una pumansin sakin dito sa floor ng C.E.O. Nakakatakot yung tingin nila. Yung mga babae parang kakatayin ako yung mga lalaki naman parang nakakita ng fresh meat. Nakaka inis... Pero ok lang. First day ko ngayon kaya siguro ganyan sila. Ngayon lang nakakita ng tao..

"You must be Maxine Lazerna." Sya tumango naman ako. " I'm El-lha Mendez. You can call me El if you want. Mr. Alcantara assign me to guide you regarding to you job. Come I show you your work place." Sya at nauna na. Sinundan ko naman sya hanggang sa makarating kami sa isang malaking pinto. Sa loob ako?

"Sa loob ng office ng C.E.O?" Tanong ko. Ang alam ko kasi sa labas.

"Di naman sa pinaka loob." Sagot nya at pumasok na kami. Malaking pinto na katapat ng pinasukan namin ang una kong nakita. Ayun siguro yung sa C.E.O. Tapos may desk sa right na may pc and phone. Sa likod ng desk ay isang maliit na pintuan pa. Ano kaya meron doon? Sa left side naman ay mga bangko. Maybe waiting area.

"Dito ka. May alam ka naman na siguro sa gagawin mo, diba?" Tanong nya.

"Yes. I have experience. I work for my brother before." Sagot ko. Si Kuya ang nagmana ng company ni papa na pinamahalaan ni tita Leila noon. Ayokong umasa sa company at sa yamang di naman talaga sakin. Kaya umalis ako. Doon saan kami titira sa bahay namin ni Jules noon kayalang baka di ako makatulog. Every part of that house remind me of him kaya nga sa condo nalang.

"Ok. Ayun yung kitchen. Pwede mong gawan ng pagkain si sir dyan. If he wants to. But alam mo bang wala pang isang buwan ang pinalitan mo dito??" Natanga ako sa sinabi nya. Ganoon ba ka perfectionist yung C.E.O para di sya magtagal? Hala!!

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Flirt kasi. Unang pasok nya balot na balot sya. Pero nung sumunod halos maghubad na! Kaloka. Ginawang bar ang office." Sabi nito na parang wina warningan ako. I pout di naman ako ganun.

"I wont do that. Kahihiyan ng pamilya ko kung mangyayari yun." Sagot ko. Totoo naman. Lazerna's is one of the famous surname in business world. Naloka nga ako noon dahil kilalang kilala pala si papa. Ayokong masira sila. At saka respeto na rin sa sarili ko at sa asawa ko lalo na sa mga anak ko.

"Good. Sinasabi ko lang. Ramdam ko namang di ka ganun pero syempre ingat lang. Ang hirap kaya makahanap ng trabaho." Hala dumaldal na. I saw Lana in her. Yung di titigil hanggat di nakaka close yung taong kinakausap nya. I smile.

"Sabagay." Sagot ko at inayos ko na ang mga gamit ko. Isa isa kong nilagay ang mga picture ng mga anak ko. Napangiti ako habang inaayos yun. Napaka gagwapo at ganda ng mga batang to. Hahaha manang mana kay tatay nila.

"Sino yan? Kapatid mo?" El.

"Triplets ko." Sagot ko. Di ko sila ikakahiya. Sila yung every mother's dream child. Mababait kahit na pamwisit si Jace, may pagka moody si Jade at masungit si Jazz. Mapagmahal, clingy sa nanay nila. Masunurin at higit sa lahat understanding.

"Ang aga mo naman nabuntis. Pero di ka mukang mommy kung di ko nga lang nakita yung data mo napagkamalan kitang 17 years old.." Sabi nya. Natawa naman ako. Lagi nalang. Pag pupunta rin kami sa bar ni Lana di kami pinapapasok. Sasabihin bawal minor. Kaylangan pa tuloy ng ID. Natatawa nalang kami palagi.

"Yeah maaga aga rin yun. Haha." Sagot ko.

"Nasan daddy nila? In fairness walang nakuha sayo. Pero parang may kahawig. Di ko lang alam kung sino.." Nawala ang ngiti ko.

"He's gone." Sagot ko at pinagpatuloy nalang ang ginagawa ko.

"Nangabilang bakod?" Tanong nya..

Ngumiti ako ng malungkot at....

"He's dead." Yes sinabi ko sa lahat na patay na sya. Na wala na yung tatay ng mga anak ko. Para na rin ma clear sya sa lahat ng kasalanan na di naman nya gustong gawin noon. Pero sa puso ko. Ramdam ko buhay sya. Ramdam kong babalik sya at magkikita kami.

Nanlaki naman ang mga mata nya at parang na guilt sa tinanong.

"Sorry. Matabil talaga bibig ko." Sabi nya.

Parang si Lana nga sya. Makakasundo ko nga yata to. Pano ba naman i kwento ba naman buhay nya na tumakas lang sya sa kanila para lang iwasan ang gusto ng mga magulang nya na ipakasal sya sa lalaking di nya mahal kaloka diba?

"Ano pangalan ng papakasalan mo?" Tanong ko...

"Ano nga ba yun... Uhhhmm Trigger yata... Oo Trigger Sandoval.." Nganga ako. Trigger!!! Si Trigger na ninong ng mga babies ko!!! "Muka kang natuklaw dyan?" Tanong nya.

"Wa-wala. Hehe by the way anong name ni mr. Alcantara?" Tanong ko. Ang galing kong empleyado noh? Pag tatrabahuhan ko di ko kilala.

"Si mr. Alcantara. ------"

Bumukas ang pinto kaya napatigil si El. Napatingin naman kai doon. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. O.O

"Max."

-----------CONTINUE

FORLORN VOW (BOOK 2 of TEACHER's OBSESSION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon