Vow 3

7.9K 157 3
                                    

Maxine

Wag mong ipilit kay Jules ang sarili mo. Kung ayaw mong lumayo sya sayo ng tuluyan.

Paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga sinabi nya. Totoo ba yun? Na kinalimutan na nya ako at lahat ng napag daanan namin. Totoo bang di na nya ako kilala at ang mga anak nya!?

Ikaw at ako habang buhay. Kahit na siguro malayo ako sa iyo. Gagawa at gagawa ng paraan ang puso ko makabalik ang sa tabi mo....

Napangiti ako. Totoo nga sinabi nya... Totoong babalik sya. Pero bat naman ganito!? Masakit eh. Sobra! Huminga ako ng malalim at kumatok na. Dala ko ang dalawang mug ng coffee for Leighton and Hot Choco for Jules. Di sya nagkakape. Acidic sya. Sumasakit sikmura nya pag nagkakape sya. Pinagbuksan naman ako ni Lei at kunuha yung sa kanya.

Napako ang tingin ko sa lalaking tumatawa sa harap ng bintana. Ang totoo buong likod ng desk nya at glass na kita ang buong city.

"Ok sleep tight hon. I love you too." Sabi nito sa kausap nya. May iba na sya. Pinagpalit na ba nya talaga ako! Mariin ang pagkakahawak ko sa tray na hawak ko. Di pwedeng mawala sya sakin. Samin ng mga anak nya. Di pwede!!!

Tumingin sya sakin at nagtama ang paningin namin pero walang sign ng recognition sa mga mata nya.

"Good morning you must be. Ms Lazerna." Nakangiti nitong sabi. Sya parin sya. Lumaki lang ng unti ang katawan nya. Mas tumangkad sya at mas naging authoritive ang aura nya pero sya parin yung lalaking minahal ko. But yung nga mata nya? Wala na yung init, yung desire yung pagmamahal. Nakikita ko nalang ang kagustuhan nyang i welcome ako rito bilang bago nyang secretary. Bumuntong hininga ako. Di pwedeng ganito. Di ko dapat payagan na ganito kami! Hindi! Para sa mga anak namin.

"S-sir Jules!!?" Kunwa'y gulat at masaya kong sabi. Naningkit naman ang mga mata nya. "Sir? Di nyo po ako natatandaan? Estudyante nyo po ako nung high school. Advisor ko pa nga po kayo nung third year. Di nyo po alam? Di naman po ako nagbago? Di nyo po ako nakikilala?" tanong ko. Pero napatingin sya kay Lei. Tumingin rin ako rito at nakiusap gamit ang mata ko. Napabuntong hininga sya.

"Yes, teacher ka dati. High school teacher. Estudyante mo sya and kapatid rin ang turing mo sa kanya." Kapatid!! Tss pero payagan. Wag biglain.

"I see. Kaya pala kilala mo ako." Sagot nya na pinagkatitigan ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti nalang ako at lumapit sa kanya.

"Sir eto po." Sabi ko at inilagay sa harap nya ang mug nya. Napatingin naman sya sakin.

"Sir? Diba po acidic kayo? Bawal po coffee sayo kasi mananakit sikmura mo. Kaya hot choco ginawa ko." Sagot ko. Parang nagulat naman sya.

"You're right. You know me very well didn't you?" Tanong nya saka hinigop yung hot choco. "You got my taste. Buti naman at may ibang tao pa na magpapa alala ng nakaraan ko." Sabi nya.

"Sana nga po maalala nyo." Sagot ko. Napatingin ako kay Leighton. Ngumiti ako kahit na inis ako sa kanya ay malaki ang utang ko ngayon dahil pinayagan nya akong malapit sa asawa ko.

"Sana. By the way, welcome to A.Add (Alcantara Advertising Company)"

"Thank you sir." Sagot ko at nagpaalam ng lumabas. Pagbukas ko ng pinto ay sinulyapan ko sya ulit.

Ibabalik kita sa dati. Kahit masakit kahit dahan dahan kahit gaano katagal. Ibabalik ko ang dati. Mamahalin mo ko. Mamahalin mo kami ng mga anak mo..

----CONTINUE-----

FORLORN VOW (BOOK 2 of TEACHER's OBSESSION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon