Chapter 24: Bestfriends, Forever!

46 1 0
                                    

Darlene's POV

Sobrang naiinis ako kay Benitez, SOBRA! ANO BANG FEELING NYA? BOYFRIEND KO SYA?! 

"Chloe baka naman mainit lang ulo mo!" Sabi ni France.

"HINDI FRANCE GALIT SYA SAKIN KASI NAKIPAG USAP AKO SA IBANG TAO! THE HELL!" 

Nag tinginan lang sila. 

"Ano ba kasing nangyare?" Sabi ni Kim.

Kinwento ko si Mestizo guy. Tapos yun Cards nya. Tapos yun number.

"SUS! Nang ttrip lang yun Chloe anoba! Wag ka ngang papakagat sa mga ganyan!" Sabi ni Steph.

"Eh naaamaze kasi ako eh" 

"So kaya ibibigay mo dapat yun number mo?" Sabi ni France.

"Hindi naman eh, di ko talaga dapat ibibigay."

"Eh anong kinagagalit mo kay Caleb?" Tanong ni Kim.

"Na sinigawan nya ako! Na sabi nya nakadress pa daw ako eh mag eentrance exam lang naman daw tayo!"

Natawa sila. "Darls, makinig ka sakin" Ngiti ni France. "Si Caleb kasi natatakot lang na lapitan ka ng ibang lalaki kasi ang pretty pretty mo pag naka aayos, yun pa nga lang mukha ka ng gaga maganda ka na yun pang nakaayos ka!"

"Nagseselos lang kasi yun Bestfriend kasi gusto nya ikaw para sakanya!" 

"Eh hindi ko nga sya boyfriend! Bakit sya ganon? Alam naman natin lahat na si Ranz ang mahal ko!"

"Pero crush mo sya!" sabi ni Steph na nakatingin sa kuko nya.

"Oo na! Given na nacrush ko sya pero di naman nya alam yun eh!"

"Kelangan ba alam?" Sabi ni Kim.

Hindi ako mananalo dito sa mga to. "EWAN KO SAINYO!" 

"Hay Chloe, Rest. Think. And you'll get by!" Sabi ni France.

"Oh andito na pala si Ranz, bestfriend eh" 

Pag tingin ko sa likod ni France, andun si Ranz, nakashorts at Vneck shirt lang sya tapos top sider. Pero ang gwapo nya pa rin. Haaaay. Ranz bakit mo ko ginaganto? 

"Osige mauna na kami Chloe, baka inaantay na rin kami nila Rein eh. Ha? Sige Ranz! Una na kami"  Tapik ni France sa likod ni Ranz.

Nag paalam na din sila Kim kay Ranz. 

"How was your day Chloe? Matagal ba ako?" Ngiti ni Ranz sakin.

"ayuuun sobrang stress na nga sa exam! Stress pa sa tao sa paligid ko! Di naman, sapat lang."

Kinuha ni Ranz yun bag ko, "May nangyare ba?" 

Kinwento ko kay Ranz yun nangyare sa Lovers lane tapos si Caleb, nakasakay na kami sa kotse pero sya nakikinig pa rin sakin di ko na nga narinig na sinabi nya sa driver nila na sa bahay namin kami pupunta. 

Pag baba namin ng kotse wala akong bukambibig kundi si Caleb na naiinis ako sakanya! Dumiretso kami sa kitchen kasi alam kong may mirienda don. Hindi ko nakita si Ate Celine pag pasok ko. Feeling ko tinatapos thesis nya. Even si Kuya wala eh. Tahimik ng bahay!

"NAKO! NAKAKAINIS TALAGA! ANO BANG AKALA NYA BOYFRIEND KO SYA?!" Nakatingin pa rin sakin si Ranz. Seryoso yun tingin nya.

"What?" Tanong ko sakanya.

"This Caleb, do you like him?" Muntik ko ng malunok ng buo yun cake ng kinaen ko.

"TUUU-TUUUUBI!!!" 

My complicated love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon