Chapter 26: Sinong Buntis?!

57 1 0
                                    

Darlene's POV 

Okay at dahil birthday ni Kim, may overnight. Malapit na rin mag grad pero di pa rin kami okay ni Caleb, 2 months na kaming di nag uusap. March na pero di nya pa rin ako kinakausap. May one time lang na iniwan kami ng tropa sa kubo, tapos awkward. sya mismo umalis. Gusto ko ng mag sorry kasi sa totoo lang ako naman may gawa eh. Tapos haaay. Di ko na alam.

"Uy bastaaaaaa girls expect ko kayo ah, kita na lang tayo sa gate ng village namin okay? 3 am! magtatampo ako pag di tayo kumpleto" Sabi ni Kim.

"ANG AGA NAMAN GIRL!" sabi ko.

"Eh kaso sa batangas tayo duuh!" 

Dapat kasi hindi ngayon yun outing namin masyadong malapit sa graduation kaya ang nagtatampo si Kim ayaw nya nung pamove move. Pinagbigyan na namin tyaka overnight lang naman kami eh tapos balik na agad kami kinabukasan buti nga at long weekend para samin seniors. Next week na kasi yun grad eh practice na lang naman ng graduation. 

"Basta kasya naman tayo sa van namin!" Sabi ni Kim.

"BUKAS HA!!"

Halatang excited sya! Grabe buti pinayagan kaming lahat mag overnight sinabi ko din kay Ranz yun outing okay naman sakanya. Next week din graduation nila Ranz, syempre pupunta ako don. Kahit may makita akong di kaaya aya. Haha. 

"Uy bes" 

"Ohhhh?"

"Di mo ba namimiss si Caleb?"

"Namimiss"

"Edi mag sorry ka!" 

Nasa classroom kasi kami kaya wala sila France. Di na lang ako umimik. Tyaka sabi ni Ranz kung gusto ko daw mag sorry mag sorry daw ako. pero wag akong mag sorry kasi sabi lang nila. Dapat galing sa puso ko. 

Caleb's POV

Ang tagal na nung huling usap namin ni Darlene. Dalawang buwan na kami di nag uusap. Namimiss ko na sya. May onyt party nga si Kim eh di ko alam kung pano ko eenjoyin yun ng hindi nag uusap. Malapit ng mag graduation, ni hindi ko pa nga nabibigay sakanya yun bracelet nung christmas party eh. Di ko na alam gagawin ko. 

Kinaumagahan, sabay sabay kami nila Rein pumunta sa gate ng village nila Kim.2:30 kami umalis ng dorm sinundo kami nila Charles para daw di na kami  mag dala ng maraming sasakyan. IIwan na lan ni Charles yun kotse nya sa village nila Kim. Mahigpit naman sa village nila Kim.

Pag dating namin don saktong 3 andun na lahat. Kaya lang bakit parang wala si..

"MY GOSH CHLOE NASAN KA NA IRESPETO MO KAGANDAHAN KO!" Sigaw ni France.

"Ganon ba? Sige sige!" 

"Asan na daw si bestfriend?"

"Malapit na daw masama lang pakiramdam"

"Eh sinong naghatid sakanya?" Tanong ni Kim

"Si Kuya Ivin ata"

"Girl dapat pala sinundo na lang natin si Darlene o kaya dapat sinabi nya na lang na masama pakiramdam nya. " Sabi ni Kim

"Ayaw lang ni Chloe na madisappoint ka Kimmy!" Pag aassure ni Steph

Masama pakiramdam? Bakit sasama pa sya?

"Uy pre narinig mo yun? Masama pakiramdam kaya wag mo ng tarayan ha?" Sabi ni Travis

"Kelan ba kasi kayo magbabati?" Sabi ni Simon

"Ewan ko pre"

"Ikaw ang lalaki, ikaw ang gumawa ng unang paraan" Oo alam ko naman yun kaya lang pag iniisip ko yun tumatatak yun sinabi ni Darlene sakin. 

My complicated love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon