Chapter 32: Harvey

3 0 0
                                    


At dahil weekends ngayon kelangan gumawa ng mga requirements ni Chloe, pumunta sya ng library kahit weekends, hindi sya masasamahan ni Ranz dahil may lakad si Seray kelangan nyang samahan. Wala naman yun iba nyang tropa dahil syempre may kanya kanyang ginagawa na sila. At di na sila masyadong nakakapag usap, kahit nga sa bestfriend nyang si coleen di na nya nauupdate eh. Tinext nya si Pamela kaya lang mag kasama daw sila ni Simon. Pupuntahan na lang daw nila ako dito eh sabi ko hindi na mag bonding na lang silang dalawa. Si Caleb naman nahihiya akong abalahin sya ang alam ko andito sya sa school ngayon eh. Matagal tagal na din simula nung nag bonding kaming dalawa. May training kasi sya. 

Tahimik lang ako ng biglang may lumapit sakin lalaki.

"Chloe Darlene Villafuerte" Pag angat ko ng tingin nagulat ako.

"Oh Harvey? Anong ginagawa mo dito?"

"Ay masama na ba mag library?" 

"Hindi ah" Naiilang ako kasi sinabihan ako ni Caleb na di daw nya pinag kakatiwalaan si Harvey nung nag batangas kami. At tyaka talagang nakakailang, ex bestfriend sya ni Ranz eh. Inayos ko na gamit ko sa bahay na lang ako mag aaral, may library naman kasi sainyo Chloe, naisipan mo pa dito? 

"Oh? Aalis ka nakita mo lang ako?" 

"Ah hindi kanina pa kasi ako dito eh. Kelangan ko na umalis"

"Grabe naoffend naman ako" nagtamputampuhan pa sya. Tinignan ko lang sya "Osige ganto na lang, Antayin natin sundo mo sure naman ako di ka pinagcocommute eh"

"Ah eh oo" Kaya lang ang tagal pa ni manong sabi ko kasi sakanya na maya na nya ako sunduin eh. 

"O kaya hatid na lang kita sainyo?"

"Ay nako harvey! Okay lang ako. Malaki na ako no" Tumwa pa ako ng peke. 

"Look chloe I know this is awkward pero gusto ko lang sana mag patulong sayo." Parang alam ko na kung san. "Alam ko galit ka sakin kasi si nasira ko friendship namin ni Ranz pero believe me parang kapatid na tingin ko kay Ranz"

"Parang kapatid pero tinalo mo kay Nadine. Wow" Mej napalakas boses ko napatingin banda dito yun ibang students. I mouthed them sorry. "Nako! Umalis ka na nga naiinis lang ako sayo!" pero imbis na umalis, sumandal pa sya sa upuan tapos ngumisi.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Bakit?" 

"Wala lang, totoo nga sabi nila matapang ka daw"

Di ko na lang sya sinagot tumayo na ako. Pero sinundan nya pa din ako. Bakit ba kasi wala tropa ko? Tinatawagan ko si Caleb sya lang ang alam kong andito. Pero di nasagot nagtetraining ata.

"Please Chloe Darlene" 

"Harvey kilala ko si Ranz, alam ko kung mapapatawad nya pa isang tao o hindi. Sa sitwasyon nyo hindi na" Tapos nagpatuloy pa din sa paglalakad. 

"Ako naniniwala ako na mapapatawad nya ako" 

Tumingin ako sakanya "Eh naniniwala ka naman pala bakit kelangan mo pa ng tulong ko?" 

"Kasi ikaw yun babaeng di matitiis ni Ranz" 

"Oh eh anong connect?"

"Akala ko matalino ka"

"EXCUSE ME?"

"Chloe-"

"Wag mo nga akong tawagin chloe di tayo close ha"

"Ang taray mo naman" 

"Ay talaga"

"Bakit ba galit ka sakin?"

My complicated love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon