Chapter 33:Let go
Audrey's POV
One week na ang nakalipas simula ng magpractice kami ng volleyball..one week na rin ang nakalipas simula nung mga nangyare..kadalasan kasama ko si Airhenne..kaso lagi namang wrong timing pagmag kasama kami kase biglang susulpot si Davies..
*buntong hininga*
"Hoi baka maubusan ka na ng hangin sa katawan!"sita saken ni Allyne
"Eh kase namimiss ko na si Davies."sabi ko sabay pout..nandito kami ngayon sa basketball court..umuulan kase kaya dito na daw kami magpractice sabi ni Virus..
"Haaayyyy..kausapin mo na kaya."sabi ni Elyssa habang kumakain ng turon
"Ano namang sasabihin ko?"tanong ko habang nakapalumbaba
"Sabihin mong mamatay ka na pare!!"sarcastic na sigaw ni Elyssa
"Patayin kaya kita."sabi ko
"Joke lang..syempre magsosorry ka."sabi ni Elyssa
"Baket naman ako magsososorry?!"pasigaw kong tanong
"Mapride ka rin eh noh.ilang pride na paglaba ang nakain mo?"sarcastic na sabi ni Mildred
"Tss."sabi ko na lang at uminom ng tubig
"Ikaw naman din yung may kasalanan.sino bang nagsabing pansinin mo si Airhenne?!"halata mong kumukulo na yung dugo ni Allyne
"Wala."tipid kong sabi habang inaayos yung high socks ko.
"See!!wala naman..haayyy..pwede ba kahit ngayon lang Audrey ibaba mo yang abot langit mong pride."sabi ni Mildred
"Sa tingin niyo kakausapin niya ako?"tanong ko habang nakatingin sa may ring.
"Oo naman..besides kayo pa naman di ba?"tanong ni Allyne..
"Hindi ko nga alam kung kami pa eh."bulong kong sabi
"Baka naman kase hindi seryoso si Davies about dun sa may 'magkalimutan na tayo part' di ba."sabi ni Acelle
"Siguro."naiiyak nanaman ako.
"Ok lang yan.basta nandito kaming S4 para sayo."sabi ni Allyne habang tinatapik yung balikat ko
"Huh?hindi kasama si Ira?"tanong ko
"Absent siya."sarcastic na sabi ni Acelle
"Ah ok."
Habang kumakain kami ng turon nagulat kami ng biglang bumukas yung front door ng basketball court..pagkatingin namin..
Yung P6..
"Grabe ka talaga Davies!!"kanchaw ni Jc kay Davies
"Oo nga!!nakuha mo agad yung number nung chix na yon."tuwang tuwang sabi ni Klyde
Napatigil sila nung mapansin nilang may nakatingin sa kanila..
"Ahmm..S5?"sabay sabay nilang tanong
"Hindi upuan lang kami."sarcastic na sabi ni Mildred at tumayo na.
"Tara guys.."sabi ni Mildred..tumayo na din kami.
"Audrey."sabi ni Allyne at siya na ang nagdala nung bola na nahulog ko.
"Tara?"aya saken ni Allyne..
Tumungo tungo ako..kase pag nag salita ako baka bigla na lang tumulo sila Mr.Tears..yes!binigyan ko na ng pangalan yung luha ko.
"Hindi ba kayo magpapractice?"tanong samen ni Riean habang naglalakad kami palayo sa kanila.