Chapter 37: WE'RE BACK(andameng nangyare)
Allyne's POV
WE'RE BACK. woot woot!
Pero wala pa din yung mga bakla este mga pwends ko.
"Nakakabored mabuhay sa mundong ibabaw pagwala ang S5." bored kong sabi habang pinaglalaruan yung ballpen ko
Ay bago ko pala maklimutan, nandito nga pala ako sa may classroom.
ISANG DAKILANG LONER.
Sabi kase ng S5 dapat maaga daw kami pumasok kaya eto, 6:30 pa lang nandito na ko pero sa kasamaang palad..WALA PA DIN SILA!
7:30 na jusme isang oras na kong nandito sa classroom, inuugatan na nga ako eh.
Naiwan ko pa naman yung phone ko sa bahay.
*on the other side*
Audrey's POV
Nasan ba si Allyne? siya na lang ang wala dito.
"Nacontact na ba ninyo si Allyne?" tanong ko kela MIldred
"Cannot be reach." sabi ni Acelle
"Nako naman! sinabi niyo ba kung san magkikita kita?" irita kong tanong
Umiling iling naman sila
PATAY KANG BATA KA!!
"San naman kaya pumunta yung babae na yun?" tanong ni Elyssa
"Malay!" sabay sabay naming sabi nila Mildred
"Sana naman marealize niya na dito dapat magpractice sa open field." sabi ni Ira
"Marerealize niya yan. maghintay lang tayo." sabi ni Mildred
"MAGHINTAY?! ISANG ORAS NA TAYONG NAGHHINTAY!" sigaw ko
"Baka naman tulog pa." sabi ni Mildred
"Oo nga naman Audrey baka tulog pa." sabi naman ni Acelle
Baka nga tulog pa. tss. humanda saken yang si Allyn pagdating dito.
*other side again*
Allyne's POV
Jusme naman! 1 hour and 30 mins. na akong naghihintay dito!
Bat kase ang tanga tanga mo Allyne!
Bat sa lahat ng maiiiwan mo yug phone mo pa!
Naknaman ng sampung kabayo oo!
*click*
Napatingin naman ako sa pinto ng classroom.
"RIEAN?!!!" sigaw ko
"Oh bat nandito ka?" himala! binalewala niya yung pagsigaw ko
"Hinihintay ko sila Audrey"
"Nakita ko silang nasa may open field hinihintay ka ata, hindi pa sila nagsisimula eh." sabi ni Riean habang umuupo sa tabi ko
"Oh anong nakain mo at ganyan ka?" tanong ko
"Pano pag nakita mo yung taong mahal mo na may kasamang iba anong gagawin mo?"
TOTOO BA TOH?! si Riean nagtatanong saken ng ganyan
"Anong nakain mo?" ang weird niya.
"Sagutin mo na lang pwede!" irita niyang sabi
"Hayyy! oo na." bored kong sabi
"Syempre masakit para saken yun pero kung gusto naman ng taong mahal ko yung kasama niya ano pa nga bang magagawa ko? edi hahayaan ko na siya, kung san siya magiging masaya dun na din ako" sabi ko habang nakatingin sa may blackboard
"Kalokohan! kung san siya masaya dun din ako?! sino ba nagpauso niyan?! MASAYA?! pano ka magiging masaya kung alam mong nasa piling siya ng iba?!"
Grabe! ano kayang problema nito?
"Eh kesa naman nasa piling mo siya pero hindi naman siya masaya, di ba parang balewala lang yun. tss. kung ikaw tanungin kita yung taong mahal mo na nasa piling mo pero hindi masaya o yung taong mahal mo na nasa piling ng iba kung san siya masaya?'
Nakatingin lang siya sa blackboard.
"Umalis ka na. kanina ka pa hinahanap nila Audrey." sabi ni Riean saken
"Si-sige.." sabi ko na lang at umalis na
Kung ako si Riean pipiliin kong masaktan kesa makitang masaktan yung taong mahal ko
Riean's POV
"Eh kesa naman nasa piling mo siya pero hindi naman siya masaya, di ba parang balewala lang yun. tss. kung ikaw tanungin kita yung taong mahal mo na nasa piling mo pero hindi masaya o yung taong mahal mo na nasa piling ng iba kung san siya masaya?'
Tss. kahibangan niya.
"Umalis ka na. kanina ka pa hinahanap nila Audrey." sabi ko
"Si-sige.." naglakad na siya
"Hindi ko kayang wala ka sa piling ko." bulong ko
Tumayo na ako at naglakad na palabas.
Audrey's POV
"ALLYNEEEEEEE!!!!!!!!!" sabay sabay naming sigaw
"Aray! ang layo na naten sa lagay na to." sarcastic na sabi ni Allyne
"Soper teh! yung tipong nasa harap kita grabe ang layo talaga." sarcastic na sabi ni Elyssa
"Che!" sigaw ni Allyne
"Tss. tara na! practice. nagsayang tayo ng dalawang oras." sabi ko at tumayo na
"TAMA!" sabay sabay nilang sabi at tumingin kay Allyne
"Oh baket ako?" inosenteng sabi ni Allyne
"WALA LANG!" sabay sabay naming sabi ng S5
*after 6 hours ng nonstop na pagpapractuce*
(Virus: Parusa yan dahil 3 months tayong hindi nakapag-UD)
DAYA! sabay sabay na sabi ng S6
(Virus: ganon talaga! *insert evil laugh*)
"Grabe! feeling ko mamamatay na ako." hingal na hingal na sabi ni Mildred
" Tama! grabe! sobrang init!" sabi naman ni Acelle
"Katapusan na ata ng mundo" sabi naman ni Ira
"Dead end is harthart" sabi naman ni Elyssa
"TUBIG TUBIG! PAGKAIN PLEASE LANG!" parang sadako na sabi ni Allyne
"Eto oh!" sabi ko sabay hagis nung pagkain
"Salamat salamat."
Inabutan ko na din ng pagkain ang S4
"Wala na atang konsensiya si Virus! 6 hours tayong pinagpractice" sabi ko
"Oo nga eh. walang hiya!" sabi naman ni Daphne isa sa mga kateam namin
"Tara chibugan na! bigday na bukas." sabi ko at nagsilafangan na kami
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
virusILOVEYOU: we're back! hahaha. 3 months is enough. sarreh na kung hiatus ako. ^___^v