Chapter 34:Making me laugh but not because of you
Audrey's POV
Mga isang oras na siguro pagkatapos nung break up namin ni Davies
"Kumain ka na."napatingin ako kay Airhenne..pinaghahain niya ako ng pagkain..nandito kami sa may corridor ng elementary level
"Ayoko pang kumain."bored kong sabi
"Kumain ka na."sabi niya
"Ayoko nga!"irita kong sabi
"Subuan na lang kita."sabi niya
"Ayoko Airhenne."sabay tingin sa kanya..tumigil naman siya
"Ok lang yan.nandyan pa naman sila Allyne di ba.nandito pa ako hindi kita hahayaang mahulog na lang."sabi ni Airhenne..shetness!!bat hindi ako dito sa mokong na to nainlove?
"Pero hindi mo ko nasalo,ayan tuloy nasaktan ako."sabi ko naman
"Wag kang mag alala gagamutin ko yang puso mo."sabi niya sabay smile
"Pero matagal pa bago maghilom yung sugat eh."sabi ko naman
"Kahit forever pa ako maghintay sa paghilom niyang sugat mo sa puso ok lang."sabi naman niya
"Buti ka pa naiintindihan ako.kahit ilang ulit na kitang binasted at pinagtabuyan nandyan ka pa rin."sabi ko
"Kase kahit mahal kita I can let you go kahit masaket,kahit mahirap kaya ko..basta makita kitang masaya..nandito ako sa tabi mo Audrey hindi para inisin,asarin,ibully at paglaruan ka..nandito ako sa tabi mo para maipadama ko sayo na mahal kita higit sa pagiging kaibigan pero kahit na ganon kaya kong maging tunay na kaibigan mo..kaya kong ipakita na kaya kitang ipagtanggol katulad ng ginagawa ng mga kuya o boy bestfriends sa mga little sister at mga girl bestfriends nila."speech ni Airhenne sabay smile
"Nakakaiyak naman yang speech mo."sabi ko at nagkunwaring umiiyak
"Sira!seryoso ako."sabi niya
"Bat kaya hindi ako nainlove sayo?"tanong ko
"Kase sabi ni kupido hindi daw ako para sayo..sabi niya kase saken kanina sa text kaya daw hindi ka mainlove inlove saken kase hindi daw ako ang Mr.Right mo..alam mo ba sabi saken ni kupido sa larong LOVE may masasaktan at masasaktan..ikaw yon Audrey..pero pagkatapos daw ng mga masasakit na pangyayare may darating at darating para isalba ka..parang ano lang yan eh..parang..hmmm..wait lang.."sabi ni Airhenne at nagisip
"Ayun!!!parang dalawang taong nalulunod sa gitna ng pacific ocean.."
"OA ah!pacific ocean talaga?"sabi ko
"Ganon talaga!wag ka ngang makiepal!san ba ko natigil?"tanong niya
"Sa may dalawang taong nalunod sa gitna ng pacific ocean.."sabi ko naman
"Ah tama tama..so may dalawang taong nalulunod sa gitna ng pacific ocean sabihin nating si Davies yung magliligtas sa inyong dalawa..so bale ikaw at yung si Karen--"naputol yung sasabihin ni Airhenne ng sumingit ako
"Eh?sino si Karen?"tanong ko
"Yun yung hiningan ng number ni Davies."sabi niya na parang wala lang
"Ah ok"sabi ko na lang
"So ayun nga ikaw at si Karen..si Davies ang magliligtas di ba?pinagiisipan ni Davies kung sino sa inyong dalawa ni Karen ang pipiliin niya..hanggang dumating sa point na parehas na kayo ni Karen na nawawalan ng air..kaya dali daling sinagip ni Davies si Karen at ikaw naiwang nalunod at nilapa ng shark."sabi ni Airhenne at lumungkot yung mukha