Chapter 8

90 2 0
                                    

“Jade kilala mo si Miller?” tanong sa akin ni Milky habang kumakain kami sa Cafeteria. Kasama naman namin si Harry, as usual nagbabasa na naman tungkol sa mga JAVA at visual basics. Ako naman, hindi ko magawang kainin yung pagkain ko. Parang bumaliktad yung sikmura ko simula nung binantaan ako ni Miller.

“Yes, we know each other pero kanina lang kami nagkita” sagot kay Milky habang pinaglalaruan ko yung pastang inorder ko kanina.

“Paano kayo nagkakilala?” tanong ni Harry.

“Bakit kayo curious? And you know what? He is not worth talking about” sabi ko sa mga kaibigan ko. Upset pa din ako sa lalaking yun. Hindi ko sya mapapatawad insultuhin ba naman ang pagkatao ko. “So, yang mukhang yan lang ang iinsulto sa akin? You’re just nothing.” He is not a human. And I am cursing him.

Kinulit pa din ako ni Milky at Harry. At hindi na rin ako nakapagpigil at sinabi ko sa kanila yung totoo.

“Somehow, it’s your fault Jade. Kahit na you did not start the feud, ginatungan mo pa din yung away nyo” sabi sakin ni Harry. Pero ang babaw talaga ng reasons nya.

“I’m still wondering bakit sya nasa friendlist ko.” I can’t recall talaga kung paano ko sya naging friend sa fb.

“We’re here to protect you girl in case na totoohin ni Miller yung threat nya sayo!” Sweet talaga ni Milky Yun kahit kailan.

“Let’s forget about him. He is so shallow minded” sabi ko kay Milky at Harry para hindi na ila gaanong mag alala about me.

Sa Cafeteria dumating si Erol, ang super crush ni Milky. Kasama pa ni Erol yung flavor of the month nyang model, at mean girl na schoolmate naming si Trisha Jimenez. At lusaw na lusaw na naman si Milky sa pagtitig kay Erol. As usual VIP seats na naman sila sa cafeteria. Iba na talaga kapag rich and famous. Sometimes I’m wondering about this girl. Ano bang nagustuhan nya kay Erol? eh halata namang he plays with every hot girls in the school. Parang gusto kong batukan tong si Milky for liking that guy. Kasunod pala nila si Tyron.Barkada kasi nya si Erol. At bago sila maupo sa VIP seats, Tyron stared to us at nagwave sya ng kamay nya to say hi. Then I wave back to him. Hindi lang ako, syempre nakikaway din si Milky kay Tyron. It’s a good feeling that I can’t describe.

“So, you like Nuestro?” may narinig na lang akong voice behind me. Akala ko si Harry kaya sabi ko

“Yes, I like him” habang nakastare ako kay Tyron at nakikipag-usap sya kay Erol. At paglingon ko, it’s Miller. Nakashades at kakaiba na naman ang tingin nya. You are such an ass Jade! Nadala ka na naman ng pantasya mo. 

Mr. Heartless!Where stories live. Discover now