Chapter 15

65 2 0
                                    

JADE’S POV

Hindi na ko pumasok. Masyado pa akong hot sa mata ng marami. Nag-stay lang ako sa bahay for the rest of the day. Nagtext na lang ako kay Milky at Harry na wag muna nila akong hanapin. Nag skype lang kami ni Daddy since I had the time, he’s asking me about school life. Hindi masabi ang nangyayari sa akin ngayon so iniiba ko yung topic. After that, nagbasa ako ng book. Hindi talaga ako makapagconcentrate. Naiisip ko pa yung ginawa sa akin ni Miller. Ideny ko man, but it’s a kiss from Mr. Heartless. Bakit sa lahat sya pa? It could have been better if it is Tyron. Maya-maya nagring ang cellphone ko.

091879*****:                   I heard what happened last morning? Kmusta ka na Jade?

(Bagong number , sino kaya to?)

Jade:                                     Who’s this?

091879*****:                   Tyron. Remember I get your number last Friday? :D

Jade:                                     Not so good. I still feel bad about myself.  X(…

Tyron:                                   I’m here in Southville… labas ka ..libre kita icecream :D)))

Jade:                                     Ngayon na?

Tyron:                                   Di na ko magrerepz… I’m outside your house!

                What? Bakit andito sya?Ginulat ako ni Tyron. Biruin mo nasa labas sya ng bahay naghihintay sa akin. Am I that important? Pero sa lahat ng tao sa school, it’s good to know na mayroon pang may ganang kumausap sa akin after the scandal and craziness I did.  Nagsuot na lang ako ng long sleeve na pink, jeans and converse na pink since mag-a-icecream lang naman kami. Paglabas ko, he’s waiting outside his car.

“Nasurprise ka ba?” tanong ni Tyron sa akin. Pamatay talaga ang smile nya.

“Di ba may pasok? Why are you here?” nagtataka lang talaga. Hindi ko naman aakalain na yayayain nya ko.

“I went to see my Lola. At nabalitaan ko yung nangyari kanina.Hindi kasi ako pumasok. Ok ka lang ?” Tanong sa akin ni Tyron. Concern ka ba talaga?

“Medyo upset lang. I really hate Miller!!”  parang nagiging close na kami ni Tyron at nasasabi ko na yung nararamdaman ko.

“That’s Xander, he doesn’t  know the meaning of losing. If I were you, tatahimik na lang ako” Then we went to the mall. Pumunta kami sa isang Icecream Parlor. This time pinapili nya na ko sa menu. I ordered Blue Berry Cheesecake Ice cream tapos sa kanya Choco chip sundae.

“Thanks for this” habang kinakain ko yung icecream

“I’m just making you feel better” sabi nya sa akin.  Kinwento ko sa kanya kung paano nagsimula yung pagtatalo namin ni Miller.

“I know Xander very well” sabi Tyron. Tapos after naming kumain niyakag nya kong maggala sa Mall.

“Huwag na natin syang pag-usapan. Bahala na ko sa mangyayari!” I smiled to Tyron pero halata nyang problemado ako. I really like the way he cares for me. Hindi talaga sya tulad ng iba na natutuwa kapag nasasaktan ako.

“Ok, your wish is my command. But if you need my help, I’m just here” ganyan ka ba talaga kagentle man? Parang ang hirap na hindi mafall sa isang katulad mo Jake Tyron Nuestro.

“Thanks!Bakit hindi ka nga pala pumasok?”  Iniba ko yung usapan para wala ng Miller sa conversation.

“Naghang-out kami ni Erol sa Blues. One time yayakagin kita sa doon. Very enjoying sa Blues ” (Name ng Disco bar kung saan malimit si Erol at Tyron) Ok kahit paano may bisyo pala si Tyron. Kwento ng kwento si Tyron about what happened to him last night, kung paano nagpakalasing si Erol at nadamay sya kaya nalate sya ng pasok. Naglalakad-lakad kami sa Mall, tapos kung mamalasin nga naman, we saw Miller walking at makakasalubong namin siya. Tumingin sa akin si Tyron kasi nafeel nya na parang gusto kong umiwas kaya napahawak ako sa braso nya. Nakita kami ni Miller, pero wala syang ginawa. Patay malisya. Nagtuluy-tuloy lang sya sa paglakad hanggang sa malampasan nya kami. Hindi ko na rin sya nilingon. Naisip ko na naman yung nangyari kanina when Miller kissed me.  Pagkalampas nya, bumitiw na ako kay Tyron.

“Thanks!” parang wala ng katapusang thank you pagkasama ko si Tyron.

“No problem” ngumiti lang sya. Pagkatapos naming maglibot.Inihatid nya din ako pauwi.Bago ako bumaba ng car nya tinanong ko sya.

“Why are you so good to me?” curious talaga ako kung bakit, dati naman dinadaan-daanan nya lang ako as if he really does’nt care.

“Coz’ I got to know you better.. sige na sige na bumaba ka na. Bye!” tapos kinurot nya ko sa pisngi habang nakangiti na naman sya at bumaba na din ako.  Inantay ko lang umalis yung car nya bago ako pumasok ng bahay.Hindi ko alam kung paano ko tatawagin itong araw na to. All I know is close na kami ni Jake Tyron

Mr. Heartless!Where stories live. Discover now