Always a best buddy never been a lover

77 1 0
                                    

Ilang taon pa ba ang titiisin?

Ilang taon pa ba ang hihintayin?

Nagkatagpo tayo sa pagitan ng damdamin mong kasalukuyang lubos na nagmamahal.

Nagkatagpo tayo sa pagitan ng umuusbong kong damdamin.

Nagkatagpo tayo sa pagitan ng handa ako sayo at handa ka para sakanya.

Kailan pa tayo makikipaghabulan sa pagkakataong kusang umaalis ng walang pasabi.

Kailan ako makikipaghabulan sa pagkakataong nakikipaghabulan rin sa isang pagkakataon.

Kailan?

Nagkatagpo nga tayo ngunit.. hindi sapat.. hindi sapat ang lahat.

Tila nabubulag tayo ng pagmamahal. Nabubulag tayo ng sarili nating damdamin.

Mahal kita.. Mahal mo din siya.

Handa akong gawin ang lahat para sayo.
Handa mo rin harapin ang lahat para sakanya.

Kaya kong iwan ang lahat masagip ka lamang. Dahil ganun kita kamahal.

Kaya mong magpakatanga ng paulit-ulit para sakanya. Dahil ganun mo siya kamahal.

Saan ba tutungo ang lahat ng ito?

Kung ang lahat ay handang gawin para lamang sa minamahal natin. At ikaw ang mahal ko.

Always The Buddy Never Been The LoverWhere stories live. Discover now