"Sandali Benjie, baka may makakita sa atin dito." Pilit akong kumakawala sa yakap niya. Ano bang nangyayari kay Benjie?
Kararating ko lang sa school at sinalubong niya na ako nang yakap.
"So what? Hell I care about them. Girlfriend naman kita eh. Anong masama dun." At mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap saakin. He pull me more closer to his chest.
"Baka ma-PDA pa tayo." Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil sa totoo lang gustong-gusto ko ang yakap niya. Mas dinikit ko pa ang mukha ko sa dibdib niya at mukhang naramdaman nga niya yun dahil tumawa siya ng mahina.
"Ma-PDA pala ha." Kinurot ko siya sakanyang tagiliran napaigtad naman siya nang maramdaman iyon. Pinulupot ko ang mga braso ko sa may bewang niya.
Nasa may student lounge kami wala masyadong tao iilan ilan lang, dahil sa ang bawat estudyante ay nasa Gym malapit na din kasing magsimula ang Live Band.
"Bat ang tahimik mo?" kausap ko sakanya nang hindi na siya nagsasalita. Sinusuklay na niya ang buhok ko.
Medyo lumuwag na rin ang pagkaka-yakap niya saakin. Kaya inangat ko ang ulo ko para masalubong ang tingin niya. Biglang tumamlay ang mata niya, na parang nangungusap.
"May problema ba?" tanong ko. Umiling lang siya. "Wala. Gusto lang kita titigan. Ang ganda mo kasi." Hinampas ko siya sa braso niya. "Bolero." Tumawa lang siya pero hindi pa rin ang mata niya. Parang may bumabagabag sa isip niya.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inilapit niya sa mukha niya hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Napapikit ako nang madama ko ang malambot niyang mga labi. Bumilis ang pintig ng puso ko sa ginawa niya.
Saglit lang ang pagdampi niya sa labi ko at kumalas na siya. Hinalikan naman niya ang isang pisngi ko.
Hindi pa rin tumitigil ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong dahilan bakit ganito ka-sweet si Benjie. Malambing naman siya pero mas malambing siya ngayon. Extra sweet ika nga nila. Kung ano man ang dahilan nun, ayos lang sa halip ay mas nagugustuhan ko iyon.
Naaalala ko bigla yung nangyari sa caf noong mahigit tatlong araw na ang nakakalipas. Siguro yun ang dahilan kung bakita siya nagiging extra sweet.
Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong ito. "I love you babe."
Para akong nakiliti kaya di ko napigilan ang tumakas na tawa sa akin. Napatingin naman sa akin si Benjie. Ang mga matang niyang nangungusap ang sumalubong sa akin.
"I love you too." At hinalikan muli siya sa pisngi niya. Nangingiti siyang kinurot ang pisngi ko.
Magrereklamo sana ako nang may marinig kaming mga pamilyar na boses na papunta sa direksyon namin.
"Ano bang problema mo tol? Babae na ang lumalapit sayo oh. Tinatanggihan mo pa! Ayos ka din eh noh?" Si Igi yun. Mga kaibigan ni Jairus. Kasama kaya nila si Jairus.
Nasagot nang mga tanong ko nang bigla silang sumulpot isa-isa sa may direksyon na kinatatayuan namin ni Benjie. Napahiwalay naman ako bigla kay Benjie na ikinataka naman niya.
Nilingon ko na si Benjie at nginitian siya nang medyo alanganin at tinutok muli ang atensyon ko sa mga kasalukuyang nagbabangayan na mga binata.
"Igi hindi ganun yun."
"Anong hindi ganun yun? Ganun yun Jairus! Nako.."
Kitang-kita ko ang paghilamos ni Jairus sa mukha niya na anim'y nakukulitan na kay Igi.
"Oy sina Sharlene oh!" turo ng isa pa nilang kasama sa akin na naging dahilan para maputol ang dapat na sasabihin ni Igi, nilingon ni Igi ang direksyong tinuturo ng kasama niya, kung saan ang kinatatayuan namin ni Benjie.
YOU ARE READING
Always The Buddy Never Been The Lover
FanficPagmamahal na handang ibigay ang lahat huwag lang mawalay sa isa't isa.