Simula

54 4 0
                                    

Kakatapos mo lang tumawag saakin. Kinwento mo ang lahat, kahit na alam ko na ang lahat. Kung saan kayo nagsimula at ngayon ay nagtapos na.

Nagtapos na dahil sa ayaw na niya.

Kahapon kagagaling mo lang dito sa bahay at hindi mo napigilang umiyak habang ikinikwento ang lahat. Hanggang ngayong tumawag ka, pilit mong pinaaayos ang pagsasalita mo, pero tumatakas pa rin ang mga buntong hininga na animo'y nagpipigil sa mga luha mo.

"Gusto mo bang puntahan kita?" kausap ko sa kanya sa kabilang linya.

"Hindi na Jai. Magiging maayos din ako." tanging nasagot lamang niya sa mga tanong ko. "Gusto ko ding mapag-isa." Bulong niya sa kabilang linya na nahagip pa din ng pandinig ko bago niya na pinutol ang linya.

Nagsimula kayo sa kung paano kanya suyuin. Nandon ako ng mga panahong unti-unti na ring umuusbong ang pagmamahal mo sakanya samantalang ako nama'y umuusbong na rin ang pag-ibig ko sayo at unti-unti na ring lumalalim.

Mga panahong sinagot mo siya ay ang mga panahong nagsisimula ng dumurog ang puso ko.

Dumaan pa ang mga panahong lagi na kayong magkasama. Niyaya mo ko akala mo ay nagtatampo ako dahil sa hindi ako nakakasama sa lakad niyo, ngunit hindi iyon ang ikinatatampo ko.

Unti-unti mo na din kasi akong nakakalimutan. Minsan na lang tayong magkasama ngunit hindi mo yun napapansin dahil hulog na hulog ka na sakanya.. yung tipong ayaw mo nang bumangon at nais mo ng manatili ano man ang mangyari..at nagsimula na din ang takot ko.

Takot ko para sayo.. at para sa sarili ko.

Ngunit ano bang magagawa ko?

Hindi ko alam kung hanggang san ka dadalhin ng nararamdaman mo. At maging ako'y ganun din.

Nakakatawang isipin na parehas tayo.. parehas ng sitwasyon at ng nararamdaman, kaya lubos ang pag-intindi ko sayo. Na animo'y nalilimutan ko na ang pansarili kong damdamin. Dahil nasa rurok ka at tanging kaagapay ko ang maibibigay ko na kailangan mo.

Komplikado kung iisipin ganun pa man handa tayong ibigay ang lahat. Kaya siguro yun ang masakit.. dahil parehas tayo.

Parehas na parehas magmahal. Yung iisipin kong handa ka sa lahat para sakanya, para ko na ring sinabi sa sarili ko na handa akong masaktan ng higit pa sa iniisip ko.

Masaktang hindi ka mahal ng mahal mo.

Masaktang may mahal na siyang iba.

At ang masakit sa lahat ay ang makitang nasasaktan siya dahil sa pagmamahal niya sa taong para saakin ay mali.

At ang mga hindi mo aasahang sakit sa pagdaan ng araw.

Ngunit wala akong pakialam. Dahil handa akong sagipin ka ng paulit-ulit. Handa akong saluhin ang lahat mabawasan lamang ang sakit na nararamdaman mo. Ganito nga siguro magmahal ang one sided love sasaktan mo ng paulit ulit ang sarili mo para lang mapasaya ang taong mahal mo.

Ganito mo maipapaliwanag ang pagmamahal na meron ka para sakanya.

Ganun na nga talaga. Komplikadong isipin pero ganun ang paraan ng pagmamahal na magagawa mo para sa taong mahal mo.

"Jairus bakit ganun? Nagkulang ba ako?" Tulalang sharlene ang naabutan ko sakanyang kwarto.

Simula nang huling tumawag siya saakin, hindi na muling nagparamdam kaya napagdesisyunan ko ngayon na dalawin sakanilang bahay at ito ang naabutan ko.

Akala ko ang nagpapadurog ng puso ko ay ang mga panahong lagi ko siyang nakikita mula sa malayo na tumatawa kasama ang taong gusto niya. Pero hindi pala.. ang mas magpapadurog sayo ay ang makitang ganito siya. Nasasaktan siya para sa taong mahal niya at hindi ako yun. Ang mga katagang binitawan niya ay ang mga katagang nais ko ding itanong sakanya.

Always The Buddy Never Been The LoverWhere stories live. Discover now