Bisikleta ng Buhay (Ongoing)

66 0 0
                                    

Ang buhay parang pagsikad ng bisikleta. O simpleng pagbibisikleta. Kung saan, number one rule ang pag-look forward. Bawal ang paglingon sa pinanggalingan. Lumingon man, saglit lang. Mapalingon ka man, ‘don lang sa mga magagandang tanawin. Kung lilingon ka na lang kasi habang buhay, baka mabangga ka, o mapahamak.

Pero ang kaiba sa bisikleta, malaya kang pumili kung saang direksyon ka babagtas. ‘Di tulad ng sa buhay, tadhana ang magdidikta sa’yo. Tadhana ang kikitil kung gaano mo man ineenjoy ang sarap ng buhay.

'Yun nga lang. Dadating ang oras, mapapagod ka sa pagsikad. Mangangawit ka sa pagintindi. Hihinto ka saglit, pero 'di pwedeng huminto habambuhay.

____________________________________________________________________

Bisikleta ng Buhay (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon