Bakit kailangan ang pagsikad?

103 0 0
                                    

Alas-kwatro ng hapon. Tamang-tama sa muling pagbibisikleta. Ngunit parang may mali. Sa araw-araw na lamang, sa bawat pagdating ng hapon, pagsikad na lamang ba ng isang sasakyang pagod ko lang din naman ang inuubos, ang tangi kong paguggugulan ng oras? Ngunit parang may mali. Sa bawat oras na pagtanggap ko ng katotohanan, bisikleta na lang ba talaga ang mapagbabalingan ko ng mga 'to?

Ako: Ano, magbabike ka na naman ba?

Ako: Eh ano pa nga bang magagawa mo?

Ako: Hindi eh. Hindi ginawa ang buhay para lang magbisikleta ka maghapon.

Ako: 'Yun na nga eh. Sa pagbibisikleta ko lang naeenjoy ang buhay.

'Yan naman talaga ang inaakala ng marami. Na mahahanap natin ang bagay na magpapaenjoy sa atin ng buhay. Na matatagpuan natin kung ano ang ano, at kung bakit ang bakit sa isang simpleng pagkakaabalahan.

Narito ang teorya ko ng pagsikad. Wala kang magagawa, wala kang choice. Kundi ang sumikad sa tinatawag nating bisikleta ng buhay. Sikad. Sikad. Sikad. Hindi mahirap, hindi rin madali. Ang kailangan mo lang ay ang determinasyon. Determinasyong maabot at marating ang layuning matagal ng gustong mapuntahan.

Bisikleta ng Buhay (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon