【 🎶 : Cosmic Radio FM 】

76 20 106
                                    

May mga bagay na madaling mawala.

May mga taong ambilis mawala.

Yung nalingat ka lang saglit, pagtingin mo, ayun nakangiti na siya at may kasamang iba.

Sakit diba?

Pero yung malala, yung nagpaalam.

Yung nagsabi na aalis.

Pero nangakong bumalik.

Kaso napako lang ang pangako.

Ang sarap ipako sa dingding ano?

May mga bagay at tao kasi na aalis sa buhay natin.

Hindi natin alam kung kailan babalik.

O kung babalik pa ba.

Pero, eto ang tatandaan mo.

Supot man si Crisostomo at Simoun,

Malagas man ang balahibo ni Ibong Adarna

Mabaog man si Laura

Magtagpo man muli si Basilio at Sisa

Bumalik man si Isagani

Dumagdag man sa kalokohan sina Padre Sibyla, Padre Damaso, Leonora, at Donya Pia

Sa kabila man ng kadyosahan ni Maria Clara,

Nandito kami at hindi kayo paaasahin.

Nandito kami muling nagbabalik upang sa inyo'y magmistulang kasangga sa hirap at ginhawa

Sa kalandian at kasawian

Sa kalokokan at kalibugan

At sa kung ano-ano pang kahangalan ang nais niyong ibahagi.

Handa na ulit kaming makinig sa inyong mga hinaing sa buhay.

Ikaw handa ka na bang umusad sa kaniya?

Cosmic DJs signing in.

×-×-×

This is Cosmic Radio v2.0
Bigger, better, and bolder.

K3U 14.3 FM STATION
LAMPOREBER 23.9 FM STATION
BIGTI NA 66.6 FM STATION
PAKE KO 00.0 FM STATION
COUNT TO TEN 69.96 FM STATION
RADYOSERYE 28.3 FM STATION

STATUS
ON-AIR | SOON | OFF-AIR

Cosmic Radio v2.0 [ ON AIR ]Where stories live. Discover now