one

119K 2K 41
                                    

PAUNAWA:

Ang Bagay, Pook, Lugar, Pangalan at Pangyayari na mababasa sa kwentong ito ay bunga lang ng aking malikot na imahinasyon. Huwag po sana nating seryosohin ang lahat ng laman ng istoryang ito.

Salamat,

ladyindesert

Chapter- 1


Tatlong taon na silang kasal ngunit hindi pa rin biniyayaan ng Anak, at wala namang pagbabago ang kanilang pagsasama, masaya pa rin sila dahil mahal nila ang isa't isa.

Isang araw ay may kumatok sa gate nila ngunit binaliwala iyon ni Sofia. Lately ay hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. Naninibago rin siya sa sarili dahil parang may kakaiba, lagi siyang nakakaramdam ng hindi maganda, masakit ang ulo, nahihilo at nagsusuka. Kaya't nagpasya na mahiga muna at ipikit ang mga mata, baka sakaling gumanda ang kaniyang pakiramdam.

Agaw antok na siya ng katukin siya ng isang kasambahay, "Ma'am, ipaalala ko lang ang pagpunta mo sa clinic, baka po makalimutan mo."

"Hindi ho Manang, medyo masama lang ang pakiramdam ko kaya nakahiga ako."

"sige po Ma'am, magpahinga ka muna at kung may kailangan ka at tawagin mo lang ako."

"Salamat ho."

Halos isang oras din siyang nakatulog, at naging maayos na ang kaniyang pakiramdam. Kaya't mabilis na pumasok ng banyo para maligo. Dapat bago dumating ang kaniyang asawa ay nakabalik na rin siya ng bahay.

Pagdating niya sa information ay may kaunting interview.

"Mrs. Montemayor, sa Ob-Gyn po kayo dumiretso," nakangiting pahayag nito sa kaniya.

"Ha? Bakit doon ay hindi naman ako buntis?"

"Ang mga sintomas ng pagsama ng iyong pakiramdam ay kagaya ng isang buntis."

Matapos magpasalamat ay agad na tumalikod, hindi maiwasang umasa na sana ay buntis nga siya. Tumuloy na siya sa Room ng OB-Gyn at naabutan niyang may tatlong buntis na nakaupo sa waiting area. Palihim niyang minamasdan ang naglalakihang tiyan ng mga ito. Nang biglang nag appear sa kaniyang balintataw ang sarili na malaki din ang tiyan. Napangiti siya sa senaryo na iyon at hinaplos ang impis niyang tiyan.

"Mrs. Montemayor, pasok na ho kayo sa loob."

"Ah, okay salamat nurse," masayang sagot niya dito.

Naupo siya sa isang upuan sa loob ng cubicle ng doktora. Nakangiti ito sa kaniya matapos basahin ang kaniyang personal information.

"Halika Mrs. Montemayor, i-check natin to make sure na healthy ang nasa tiyan mo."

"Doc a-ano po ang ibig mong sabihin?"

"I think buntis ka, Mrs. Montemayor, mahiga ka dito."

Matapos niyang mahiga ay itinaas nito ang kaniyang blouse at bahagyang inilihis ang pang ibabang damit. May nilagay sa kaniyang tiyan na gel tapos iniikot-ikot ang hawak na aparato.

"Mrs. Montemayor, you are pregnant at hindi lang iisa. Tingnan mo sila hindi lang kambal mas higit pa. Hindi pa lang natin mai-clarify kung ilan dahil masyado pang maaga. Sa palagay ko ay two weeks palang sila dyan sa tiyan mo."

"Doc salamat ho."

Nakaramdam siya ng sobrang kasiyahan at alam din niya na mas magiging masaya ang kaniyang asawa. Matapos mabigyan ng reseta para sa mga vitamins ay nagpaalam na siya sa mabait na OB Gyn. Subrang saya talaga niya, sa wakas nagbunga din ang kanilang pagmamahalan. Hindi na makapag hintay ay tinawagan muli ang asawa subalit, walang signal ang kaniyang si Jade.

BOOK #2: TEARS OF A BILLIONAIRE'S WIFE JADE MONTEMAYOR (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon